Chapter 89

416 8 3
                                        

Un-edited. It's only 700 words. Cp lang ang ginamit ko kaya matagal.

Jade's POV (Point of View)

"Ardie, para kang tanga!" sigaw ko sa kanya, Naglalakad kami ngayon papuntang gate. uwian na kasi. Saka gusto ko ng umuwi, napagod pwet ko kakaupo, gusto kong humiga.

"dun na tayo" hinatak nya ako palabas. Akmang sasakay na kami ng biglang may mga lalaki na palapit sa amin. May mga hawak na pamalo?

Lalagpasan na sana namin ni Ardie ng bigla kaming kinausap nung isa. Ewan, mukang hindi kami ata, hindi naman nag babanggit ng pangalan. Saka malay ba namin baka nasa likuran namin yung kausap nila.

Nakakatakot mga muka. May mga tattoo. Akala naman nila bagay tsh. Sayang pambayad.

"Neoh... Ardie Neoh" tumawa sila. Anong nakakatawa sa pangalan ni Ardie? Ha?

Umiling lang si Ardie. Pumunta kami sa kabilang side pero humarang naman yung isa sa kanila. Nagiinit ulo ko ha, jusko. Bat ba ayaw kaming tantanan ng mga toh. Kahapon nakita rin namin si Ardie pero binalewala lang naman namin.

"may kailangan ka?" taas kilay kong tanong. Gusto ko na talagang umuwi punyemas!

"ikaw.." ngumiwi ako sa sinabi nito. Naka ngisi na sa amin ang mga mga kasama nya. Hahakbang sana ito palapit sa akin ng mapikon na ako.

"putrages! ano bang kailangan nyo! diretsahin nyo nga kami't gusto ko ng umuwi mga dep*ta!" nagsitawanan naman sila. Ano bang nakakatawa? Baliw yata tong mga toh. Nakaka init ng ulo.

"ikaw nga... ikaw ang kailangan namin kaya sa ayaw at sa gusto mo ay sasama ka sa amin.." hinila ako nung isa kaya pinalo ko ng pagka lakas-lakas yung braso nyang naka hawak sa akin. Agad naman yung namula

Tinago ko ang hapdi sa palad ko. Ang sakit sa palad. Hinila na naman ako nung isa kaya na-alerto na kami ni Ardie. Humakbang kami paatras pero kung minamalas ka nga naman. Pader na ang likuran namin. Ang babanggaan namin. 

Lagot, mukang wala na kaming kawala. Jusme. 

Akmang hahawakan na ko nung isa ng bigla ko syang sinuntok sa muka kaya yun dumugo yung ilong. Masama ang  tingin nila sa amin lalo na sakin. Ang sama. 

"ang tigas ng muka mo" reklamo ko. Mas lalong sumama ang muka nya. Pasmado yata bibig ko.

Muli akong na-alerto ng sabay sabay silang lumapit sa amin. Hindi ko napansing nahawakan na pala nila si Ardie. Nagpupumiglas yung batuta pero sa higpit ng pagkakahawak sa kanya nung dalawa ay hindi nya nagawang kumawala.

Sinuntok ko pa yung isa kaya napa-atras sya. Lumapit naman yung isa, aambahan ko na sana ng mahawakan ako nung isa. Grabe ilan ba sila? Sampo? Ang dami nila ah. Kanina lima lang, ABA-ABA  

Nakawala ako sa pagkakahawak nila at isa-isa silang hinarap. Feeling ko uuusok na yung tenga't ilong ko dahil sa galit. Natamaan kasi ako ng suntok nung isa kay adumugo labi ko.

Akmang sisipa ako ng mabilis akong natumba pahalik sa semento. Bakit wala yatang nakakapansin sa amin? Mukang walang pekalam ang ibang estudyante.

Hinila nung isa yung paa ko na parang sako ang hinihila nya. Nasubsob yung muka ko, mukang nagagas-gaan na. Ang hapdi ng pisnge ko. 

"ang tigas mo naman, kababaeng tao" inis na wika nung isa. Tatayo na sana ako ng may itinakip silang panyo sa muka ko. Nahihilo ako.

-

"K-Kai!!" sigaw ko ng makita sila. Hinahawakan ako ng mga ulol na toh. Ang sikip ng pagkakahawak nila kaya malabong maka alis ako.

"Fedel! Bitiwan mo sya. Pvtangina! Hindi mo gusto ang gagawin namin sayo kapag nahuli kita!" ang sakit sa tenga ng sigaw ni Kai. Kasama nya sina Yael ngayon.

Nagtataka ako kung bakit andito rin sila. Ano to? Transaksyon?

"HAHAHA gawin nyo ang gusto ko para walang gulong mangyayari" tawa naman nung isa. Yun ata yung Fedel? Ewan.

"tanga ka ba? O sadyang nagtatangatangahan ka lang?" nanliliksik ang mata ni kai lalo na sina Yael. Godness!

"hoi bitiw nga!" akmang itatabig ko na yung braso nung isa ng tinutukan ako nito ng kutsilyo kaya napatigil ko.

Masama ang tingin nito sa akin. Ah, tama sya yung sinuntok ko na dumugo yung ilong. May nakalagay na cotton sa isang butas ng ilong nito kaya muntik nakong bumulalas ng tawa. Jusko. Hahhahaha

Aagad naman akong natahimik ng may kung anong narinig. Ano yun? May mga sumisigaw. Na tila pinapalo?


A/N: so ayun, ayan lang muna ud. Pagpasensyahan nyo na ha. Cellphone lang ginamit ko kasi naiwan yung laptop. Kaya ayun natagalan ako.

Nanood ako kahapon Hes into Her ep.1. HAHAH ang ganda nya. Nakaka thrill. Enjoy!📍












Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon