Chapter 94

284 9 2
                                    


She's back?

JADE'S POV  (Point of View)

"gago Ardie!" agad kong tinampal ang braso nya. Tumawa lang ito.


"eto naman Jade ang sungit sungit mag ha-halo lang eh" inirapan ko lang sya saka hinalo yung batter. Mag luluto kami ng cupcake. Ewan ko sa mga ito, parang mga tanga. Ginawang kusina ang room namin.



Wala si sir A, may pinuntahan. Baka mamaya pa yun saka pinayagan narin naman kaming gawin ang gusto namin ngayong araw. Nag quiz kami kahapon sa sunod araw ang exam. Ang lapit na talagang matapos ng school year. Piste


"ano bang gagawin natin? anong flavor?" takang tanong nina Kai. Natampal ko nalang ang noo ko sa kasobrahang stress na ibinibigay ng mga hinayupak natoh sa akin.



"bobo neto, chocolate flavor nga diba?" sakristong sabi naman ng isa pa. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paghalo.



Medyo marunong naman akong mag bake kaya hindi na yun problema. Saka may cooking book namang dinala ang isa sa amin para hindi kami magka etseburetse.



Ng matapos sa ginawa, pinalagyan ko ng mantika ang mga gagamiting cups. Nakakatamad kaya.




"ang batugan naman nila, ang tatamad.... kanina pa nasa kabilang room" reklamo nina Ardie. Kanina pa nga sila dun, rinig na rinig namin dito ang sound ng movie na pinapanood nila.



"Ardie paki bantayan nga muna may kukunin lang ako" tumango lang ito. Lumabas ako ng room saka isa-isang tinawag ang mga feeling hari kong kaklase.



"hoy! patayin nyo nga muna yan.... maglinis muna kayo batugang mga toh" mas lalong kumunkt ang noo ko ng wala ni isa sa kanila ang tumayo o lumingon man lang sa akin. Ang pe-peste talaga!



Kinuha ko yung walis sa divan saka ibinato sa kanila. Agad naman nagka gulo, inirapan ko lang sila saka nagtungo sa harapan pata bunutin ang saksakan ng tv.




"maglinis kayong mga peste kayo... mga pabigat" reklamo ng reklamo sila pero hindi kona yun pinansin. Bumalik ako kay Ardie, mas lalong uminit ang ulo ko ng nilalantakan na nya ang hindi pa lutong batter.




"ampota Ardie hindi pa yan luto, gusto mo bang mamatay?" tanong ko ng makalapit. Hindi tumigil ang kumag sa pagkain ng hilaw pang cupcake.


"grabi naman, mamatay agad? ang sarap kaya oh, tikaman mo" ilalahad.na sana nya yung daliri nya sa akin ng umiwas ako. Kadiring bata na toh.



"wag mo kong kausapin" irap ko. Dinig ko ang mahihinang tawa ng sa likuran namin. Ako na halos ang gumawa ng lahat. Mga walang awa sakin noh.



Ng maluto ang isang set, pinalitan ko na naman yung mga cups. Sina Ardie na ang nag design. Ewan ko kung san nila nakuha yung butilya ng whip cream.





Hindi ko nakita si Ken ngayon ah, ganon din si Yael. Bakit kaya d sila pumasok? psh.




Bumaba ako ng building namin, pupunta ako sa Section A. Ibibigay ko kay Hirro tong binake 'ko' na cupcake. Si kuya Ace? pabayaan mo yun. Matanda na yun kaya nya na ang sarili nyang bumili ng sarili nyang cupcake. Maglaway ka.





"Helloww" bati ko ng makarating. Lunch time na kaya malaya akong nakakapunta dito. Actually 3rd time palang akong naka punta dito. Bawal daw sabi ng mga istriktong teacher mga mukang paa naman. He!




Iniabot ko kay Hirro yung tupperware. Dalawang cupcake lang ang nagkasya. Maliit lang rin naman kasi yung lalagyanan ko.




"uy salamat... ano toh?" hindi ko sya sinagot. Sinipat sipat na kasi nya yung lalagyan. Sayang lang laway ko.





Nasa gitna kami ng paglalakad ng may makita kaming nagtutumpukang estudyante. Makiki update siguro rin ako kung ano mang nagyayari sa school.


"ow em gee!! bumalik na sya??"

"she's back..."

"ang ganda nya lalo!!"




Mga chismisan na naririnig ko. Hindi ko napansin si Hirro. Nasa building na pala namin sya, hindi man lang ako hinintay. Tsh.



Tumingkad ako ng kaunti para makita kung sino yung sinasabi nilang 'she's back' mukang babae. She'



Ng makita ko ang hallway. Isang magandang dilag ng natanaw ng aking mga good eyes. Maganda ngang tunay. Sino kaya sya? maki usyuso nga.


Lumapit ako dun sa mga nag chi-chismisan pero palihim.




"ang ganda lalo ni Selene noh? bagay na bagay parin sila hanggang ngayon"



Selene? Selene Dion? choss. Joke lang. Pero sino nga? Tumingkad ako ulit para makita yung Selene kamo. Natural ang ganda nya, matangkad sya ng mga kaunti sa akin. Maputi sya samantalang yung sakin medyo brown hihi.




Wala akong nakitang make-up o kung ano mang kolorete sa muka nya. Magiging fan yata ako sa kanya. Yung sa kanya may version syang sa kanya. Of course meron rin akong version ko. Muka syang mabait. Ang anghel pa ng muka.




Bumalik na ako sa room at naabutan ang mga letsugas kong kaklase na kinakain na yung mga niluto ko kanina. Sinipat ko ang lalagyanan. Wala na. Ubos na.





Nakasimangot akong pumunta sa kabilang room. Naghanap akk ng magandang movie. Manonood nalang ako piste!

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon