Chapter 11

1.2K 38 1
                                        



HER POV


"hey wake up" nakagising ako sa boses na narinig ko.


"anong ginagawa mo dito?" tanong ko at muling kinusot ang mga mata.


"I tried to wake you up but you were sound asleep so I just picked you up" nag pipigil syang tumawa kaya pinalo ko sya sa braso para naman tumigil.


Ano namang nakakatawa dun sa binuhat? tsk.


"anong tinatawa mo dyan" nag stretch-strech pa alo.


Hindi ko kasi maigalaw ng maayos ang katawan ko, dahil siguro kanina pa ako naka baluktot.


"nothing" tumalikod sya sa akin saka inayos nya ang seatbelt saka nagmaneho.


Itong lokong toh matapos akong bulihin sa school gaganto-gaganito sakin ngayon. Tsk.


"drive thru?" tanong ko matapos makita kung saan pa kami pupunta.


May bukas pa pala na Jollibee ngayon? kala ko hindi na eh, naramdaman kong huminto ang sasakyan naka labas narin pala si Ken pero hindi ko na sya makita.


Ang alam ko hindi na kailangang lumabas ng kotse? tsk.


Hihintayin ko nalang sya dito, matutulog muna ako gabing-gabi na rin, sa tantya ko alas dos na ng madaling araw--hala! Gagi alas dos na! ANO IRARASON KO KAY KUYAA?!!


"hey wake up, sleepyhead" nagising na naman ako sa maingay na boses ni Ken.


"bat ba ang hilig-hilig mong gumising ng taong natutulog" nag inat-inat ako. Nakakainis! At ano?! Sleepy head?? AKO?!


Pag harap ko sa kanya may hawak na syang meal at drinks from Jollibee. Sanaol rich.


"ang damin naman yan, di ko naman yan kayang maubos noh" sabi ko habang iniisa-isa ang paper bag.


"I didn't buy it just for you to eat, hindi lang ikaw ang kakain, Jade" napairap nalang ako bago kinuha yung isang Meal.


Inukay ko yung iba tas nakita kong may chocolate sunday tapos may hamburger at spagetti.


Tsk, ang dami ng binili nya, dalawa lang kami. Yung pinangbili nya parang magpapa-kain ng isang buong baranggay--char bahay lang ano ba. 


Tumingin ako ng lihim kay Ken, kahit dilim ay makikita mo ang maputi at makinis nyang balat--sanaol noh. Malamang sa malamang, lumaki syang may gintong kutsara sa bibig. Ako kasi hindi lumaking may ginto sa bibig, pati silver--alam mo kung ano? Lumaki akong may kalawang na kutsara sa bibig, hehe.


Muli ko syang tiningnan, matangos ilong nya, wews. Medyo singkit lang, ang haba ng piloka sanaol. Medyo may pagka pink ang labi nya--nag liptint ba sya?! Omy!

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon