Chapter 60

460 16 1
                                    


Jade's POV (Point of View)


"namamaga pa mata mo oh" humalakhak kami dahil sa itsura ni Hirro ngayon


Nasobrahan yata ng suntok si Ken sa lalaki at naging ganito ang kinalabasan.


"eshh!" OA ng lalaking ito, si Kane na dapat ang gumagamot ng pasa nya sa muka pero ayaw, hihilom naman kasi yun sabi ng lalaki.


"Ardie kunin mo nga yung dalawang mansanas sa lamesa" turo ko sa kusina, tumango-tango naman sya saka pilit kumakalma, hindi parin kasi sya tumitigil sa pag halakhak


Naka-kita ako ng unan kaya ibinato ko yun sa batang kulangot. Mabilis naman syang naka ilag saka tumakbo papasok ng kusina. Hunarap ako kay Hirro na nakatingin rin sa akin. Ngumiwi nalang ako dahil dun.


"wag kang ano... alam ko nasa isip mo" umirap ako sa kanya saka kinuha ang cp ko dahil nag ring iyon


"hello?" 


["I'll pick you up, clean up the mess there"]


Tumango-tango lang ako kahit di ako kita ni Kuya Ace. Nagsimula na kaming magligpit ng mga kinalat naming supot ng chi-chirya sa sahig. Isang araw kaming nandito, umaga palang, alas' otso palang ay nandito na kami, linggo ngayon kaya walang klase. Si Kane ay umalis may pupuntahan lang raw kaya kaming tatlo nalang ang naiwan, kami narin ang umubos ng mga pagkain ni Hirro sa ref.


DING DONG*


Sabay kaming lumingon sa pinto ng mag doorbell ito. Ako na ang nagbukas niyon dahil alam rin naman naming si kuya Ace yun. 


"kuya--" naputol ang sasabihin ko ng makitang hindi iyon si kuya Ace. 


"nahanap ka rin namin mutya" ngumisi ito sa akin saka may itinaas na kung ano, pansin ko na iyon ng malinawan. Panyo yun at alam ko na ang gagawin nya kaya mabilis kong isinara ang pinto.


Gulat na gulat kaming tatlo sa loob, pilit iyon binubuksan nung lalaki. Sumabay na silang dalawa, inilibot ang paningin ko para makahanap ng ung anong harang. Sa di kalayuang parte ng bahay ay may nakita akong mop. Pwede na siguro yun


"kukunin ko yung mop na yun--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sabay kaming natumba kasunod ng pinto, naka-dapa na kami ngayon at tumutungtong sa amin ang pinto. 


"akala nyo naman matatakasan nyo kami, hahahha" muli akong nangilabot pero hindi na gaya ng dati, dahan-dahan akong tumayo at lakas loob na hinarap ang mga ito, tama ka. Mga ito ang ginamit ko dahil marami sila, hindi bababa sa sampong tao kaya ganon nalang ang oagkasira ng pinto dahil narin sa mga dala nilang panira ng pinto.


"hala sige! kunin si Mutya" ngumisi nalang ako saka dahan-dahang umatras papuntang kusina, hindi ako medyo marunong gumamit ng mga kutsilyo pero susubukan ko, limang tao ang humabol sa akin.

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon