Jade's POV (Point of View)
"may lakad ka?" takang tanong ng dalawa kong kuyang kupal. Tse.
Palihim akong umirap bago sila hinarap. Naka ayos kase ako---este naka bihis ng panlakad. Nagpaalam naman ako kay kuya Ace kagabi, tengene. Bat parag ngayon wala syang may narinig ah.
Maang-maangan, lintek
"lalabas lang... may bibilhin" walang galang kong sabi, hehehe,
Sinabi ko narin kay kuya Ace na sya nang bahalang magpaalam sa akin. Ayaw pa nga akong payagan na mag se-sleep over ei. Kung hindi ko sinabing sasama yung my'love's nya. Di pasana sya papayag. Nako-nako talaga.
Totoo yung sinabi kong lalabas pero yung bibili ay hindi. Hindi na ako nagpahatid kay kuya Ace dahil susunduin naman ako ni Ken at ngayon yun.
Naka-abang sa di kalayuan yung sasakyan nyang itim. Kaloko, wala man lang syang sasakyang puti? muka pa namang mandurukot ng single yung sasakyan nya choss.
May bumaba dun at si Ken yun. May bumaba rin sa kabilang pinto at iniluwal sina Kai, Zyrie at Ardie. Kaloko, si Ardie mukang nilagyan ng sili yung pwet kaka ngisay nya. Yung dalawa ay naka-ngiti sa akin habnag kumakaway rin. Lumapit na ako sa kanila.
"Jade!!" masayang bati sa akin ng batang kupal. Ganon din yung tatlo sa likuran nya.
Pinagbuksan ako ni Ken ng pinto sa harapan. Yung tatlo ay sa backseat. Hindi nga masikip eh, sobrang sikip lang. Malaki yung katawan ni Kai at Zy. Yung sa batang kupal nama'y maliit lang pero ipit na ipit ito sa gitna dahil sa mga naglalakhang katawan nung dalawa. Napa tawa nalang ako sa inis na reaksyon ni Ardie nung maipit syang tuluyan.
Nandun na daw halos lahat ng D's. Sasama si kuya Ace kung gusto nya, pake ko naman?
Pinapunta ko rin si Hirro para naman may kasama sya si kuya Ace mamaya. Nagpaalam na rin ako kay Ken kung pwede, labag sa loob naman syang um-oo. Epals langs?
Ng makarating ay tama nga ako. Nandyan na si Hirro kasama si kuya Ace? lintek na. Bat nauna pa sya sa akin? ha?. Naka-kunot ang noo nitong naka tingin sa amin---este kay Ken? Psh.
"mag ka-camping tayo?" takang tanong ko ng makarating sa garden. Si Ken buntot ng buntot sa akin. Kaloko.
"uhmm... kind of? yes?,.... yun kasi yung pinagplanuhan nila... of course, may kanya-kanya tayong tent--"
"depunggol!!" sabi ko na nagpatigil sa kanya, "lintek.. bat di mo sinabi? ha? dapat sana nagdala na ako ng tent... nyeta" mura ko habang nasapo yung noo kong medyo may kalapadan.
"hey.. hahaha easy... may apat akong tent sa loob... it's a large one so... magkakasya tayo dun" nanliliksik ang matang nakatingin sa kanya habang sinasabi ang huling sentence. Depunggal.
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
