Jade's POV (Point of View)
"uuwi daw si papa bukas or sa susunod na linggo" nagulat ako sa sinabi ni kuya Trev. Excited nakooo.
"talaga? uuwi na sya?? Hehe" tumango lang ang mga ito. Psh, bat mukang hindi sila masaya na uuwi sya?
Umakyat nako sa taas para magbihis. May klase na eh.
Sinundo ako nina Hirro at Ardie.
"daan nga muna tayo dyan oh, may bibilhin lang ako" tumango si Hirro at ipinarada ang sasakyan nya sa tabi.
Bumaba ako at pumasok sa 24/7. Kumuha ako ng dalawang ice cream saka tatlong curls. Yung malalaki. May pera ako ngayon eh.
Ng makabayad agad akong bumalik sa sasakyan at ibinigay isa-isa kay Ardie at Hirro yubg curls. Tinago ko naman yung ice-cream. Papalamigin ko nalang mamaya paguwi sa bahay. Matigas-tigas pa naman..
Ng makarating sa school sabay kaming umakyat ng building ni Ardie. Si Hirro nauna na may quiz daw sila. Siguro nauna na si kuya Ace.
Ang rambol ng classroom. Ang lakat kalat.
"hoy anong kaguluhan toh?" inis kong tanong na ikinatigil ng lahat. Inirapan ko sila at inilagay yung bag ko sa upuan ko saka kumuha ng walis at dust pan.
Winalis ko ang mga kalat sa labas. Kaunti lang naman ang basura pero iyong alikabok napaka rami. Ang kakapl na.
Sunod ko naman winalis ang loob. Paulit-ulit ako kasi hindi talaga matigil ang pagkakalat nila.
"hoy mga hinayupak! Titigil kayo o ihahampas ko sanyo tong walis?" inis na sigaw ko. Nag sitahimik naman ang mga ito saka mabilis na pumulot ng mga basura. Kanya-kanya na sila ng hawak. Kanya-kanyang pwesto ng lilinisin. Tsh.
"good" napa lingon ako ng makita si Ken sa likuran ko na naka sandal sa pinto habang diretsong naka tingin sa akin.
Tsh akala ko naman dahil sa sigaw ko kaya naglinis ang mga ulupong na iyon psh. Sa hinayupak pala na ito.
"hindi ka exempted, kaya kumuha ka ng walis dun saka maglinis karin" irap ko at i ayos ang mga upuan na nagka watak-watak dahil sa kabalduhan ng mg kaklase ko.
Nakita ko si Ken na may kinuha dun sa pinaka dulo at may kung anong isinaksak---ay wow. Naka vacum ang kumag.
Inirapan kolang sya ng magtama ang paningin namin saka sya ngumiti at kumindat. Agad ko naman syang punakyuhan. Saka nagpatuloy sa paglilinis.
Grabe ang kalat kalat talaga ng loob ng room namin. Buti nalang walang teacher na nagturl buong araw. Psh, kala ko may klase na talaga eh bakit wala man lang may nagturo?
Tatlong subject ang ginugol namin sa paglilinis. Buong room kasi ang nilinis namin. Tinananggal ang mga agiw pati narin mgagilid gilid na may lumot na kinuskos namin.
"aba, san galing yan?" tanong ko ng makita sina Kai na may dalang flower pot. Mga magagandang bulaklak.
Ngumiti lang sila saka inilapag iyon sa harap, sa ibaba ng blackboard. Marunong naman palang mag arange ang mga toh. Pinagod pako.
San naman kaya kinuha ng mga yun ang mga tanim?? Psh. Malamang sa ibang section.
Nagulat na naman ako ng pumasok sina Ardie na may dalawang, REF? Mini Ref??
"hoy asan nyo kinahua yan?!"
Ngumiti lang ang mga ito saka ipinuwesto iyon sa likuran sa may lababo banda. Anak ng tupa. Kelan pa nagka ref ang room namin?? Malamang ngayon lang.
Nag sunod sunod na ang mga ipinapasok nila sa room. May electric fan kahit may aircon naman kaso medyo sira na raw yun. Apat na electric fan ang dala nila. Siguradong malaki ang babayarang kuryente ng school.
Sumunod naman sina Yael. May dalang kung ano-ano. Ginawang bahay ang room namin.
"sa kabilang room nalang natin ilagay yung, iba" sinundan ko ng tingin ang mga kaklase ko. Sa kabilang room?
Agad akong lumabas. Nakita kong may pinasok na malaking tv ang mga kaklase ko. Ang laki nun ah, mayy sofa rin--pano nakapasok ang mga yun sa school?
May kung ano ano pang isinilid ang mga ito. Grabe. Ng silipin ko nanlaki ang mga cute kong mata ng makita ang loob. Mukang living room. Delubyo!
Ginawa ngang bahay ang building namin. Amga loko-lokong hinayupak na toh.
"Lay paki kuha nga nung, dalawang box sa likuran nina Khalil" tumango lang si Lay, wag nyong sabihing kasabwat nyo rin sya??
"Jade paki kuha nga nung dispenser--aww" binayukan sya ni Ken. Anon problema nya ha?
"pagbubuhatin mo sya ng dispenser? ang bigat bigat niyon mag isip ka nga, hindi mo nga nakaya yung lamesita eh ikaw kaya pagbuhatin ko nyun?" napa iling-iling nalang ako. Ang dami nyang sinabi ah.
Umupo ako sa upuan ko at kinuha yung ice cream. Inilagay ko yung isa sa mini ref kako namin sa room. Saka kinain ko naman iyong isa. Natawa ako kay Ardie ng makita ko dyang ngumangat-ngat nung binili ko kanina sa 24/7. Pasi pme syang ngumunguya. Nagtatago sa mga kaklase namin ng pagkain nya.
Na iling-ling nalang ako. Ibang klase. Damot. Inubos ko yung ice cream saka itibapon yun sa labas ng room. May basurahan dun sa labas noh. Baka ma fine-nan pa ako ng littering.
Nakakapgod ang araw na iyon. Pagdating sa bahay, natulog ako at d na nakakain.
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
