ENGAGEMENT?
JADE'S POV (Point of View)
Nanggigigil ako sa Selene na yun. Kanina pa sya ha! Tatapunan ko talaga ng ballpen yang muka nya. Kanina pa sya pangiti ngiti kay Ken.
Ang sarap tanggalin sa earth.
"hi Sir" masayang bati nya kay Sir A. nako nako.
Lumingon naman sa kanya si sir A saka ngumiti. Nag shakehands pa sila. Psh.
"bumalik ka na pala, Selene...."
"uhm... yes sir, may kailangan kasi akong gawin then uuwi rin naman ako sa states"
Aba dapat umuwi ka na. Nakaka peste ka talaga. Binabawi ko na talaga lahat ng good reactions ko sa kanya noh.
Nag usap pa sila ni sir A bago sya pumasok sa room. Tatlo na kaming babae ngayon. Ang anghel anghel ng muka tapos nasa last section?
Sinundan ko sya nang tingin hanggang maka lapit iyon kay Ken. Yung lalaking yun, parang walang pake alam sa kundo. Yung mga kaklase ko naman nag si labasan na iilan nalang kaming nasa loob.
Tatayo na sana ako ng marinig kong tinawag ako ni Selene. Lintek.
"Jade" naka ngiti nyang sabi. Huminga ako ng malalaim bago humarap sa kanya. Grabe naggigigil talaga ako susmeyo.
"oh?" tinaasan ko sya ng kilay,.tumawa naman sya. Aba anong nakakatawa dun?
"I would like to invite you tonight if it's okay with you?" aba.
"para san?" na kyuryos kong tanong. Baka prank to mga teh. Tatanggalin ko talaga ngipin nya.
"there was a little party at home I wanted to include you and Lay, Lay agreed ikaw nalang ang wala"
Party? ako? isasama nya? Advance pa naman akong mag isip. Iba yung nababasa ko sa libro, iba rin yung nakikita ko sa mga movie.
"sige" ngumiwi lang ako ng ngumiti sya. Anong party ba yun?" baka birthday? ewan?
"engagement party..." nanlaki ang mga mata ko. Ano raw?
Sinong mag e'enggage? Sila ba dalawa ni Ken? magsama sila kung ganon. Nako, sira na talaga ang araw ko ngayon.
"sige" hindi ko na sya hinintay pang sumagot dahil mabilis akong lumabas ng room. Nakita ko pa.kasing ipinulupot nya ang braso nya kay Ken. Inggit ako alam nyo yun?
Magawa nga kay Hirro. Hindi naman patay maliya ang pilingerong yun.
Ng maka baba sa building, nakita ko si Hirro na naka upo sa bench. Napa hawak naman akonsa bandang tiyan ko ng tumunog iyon. Sumasabay pa talaga sa gutom ko ang puson kong pagka sakit sakit.
Balak ko sanang gulatin si Hirro kaso nakita nya ako kaya failed. Ngumiti sya sa akin ng makita ako. Pinakyuhan ko naman sya kaya sumama ang muka nya. Natawa nalang ako
"tara na" hinila ko sya palabas ng school.hanggang makarating kami sa parking lot. Pinagbuksan nya ako ng pinto, inirapan ko lang sya.
Pansin ko ang ngiti ni Hirro ah. Mukang good mood ang tuleg. Dumaan kami sa convinence store. Bumili ako nung may kalakihang tupperware ng ice cream. Libre naman kako ni Hirro. Susulitin ko na.
Bumili rin naman sya ng kanya, saka kami lumarga papuntang coffee shop nya. Medyo nag renovate na nga. Ang ganda na ngayon kumapara nung dati.
Umupo kami sa dulo, nag order sya ng kung ano sa mga empleyado nya. Sakto namang may macaroons sa menu kaya umorder narin ako.
"so.... lapit na pala ng birthday mo?" tumango lang ako saka nilantakan ang ice cream. Aba, nagugutom na kaya ako. Nagugutom na rin yung mga bulate sa loob ko.
"wala naman akong planong mag handa" irap ko habang patuloy na kumakain.
Maya maya pa ay dumating ang inorder namin. Nag usap usap ng mga walang kwentang bagay hanggang sa iuwi na nya ko.
Humiga ako at nag muni muni. Natigil lang ng may kumatok. Tumayo ako saka pinagbuksan ang kung sinong epal.
"po?" si manang lang pala.
"aba iha may bisita ka, Layala daw... kanina pa naghihintay sa labas"
Nagulat ako, si Lay? anong ginagawa nya dito--ay tama! may pupuntahan pala kaming enggagement party ngayon. Nakalimutan ko yung oras.
Agad akong nagbihis nung dress na ibinigay sa akin ni kuya Ace nung time na nakikipag bati sya sa akin. Medyo mahaba naman yun.
Nagustuhan ko nga yung kulay. Medyo maputla.kasi yung pagka brown nya. Malay ko naman sa pangan ng kulay. Isinuot ko narin yung dollshoes. Walang heals yun syempre. Matangkad naman ako kahit papaano.
Ng maka baba. Nakita ko si Lag na naka upo sa sofa katabi si kuya Ace. Aba ang dalawang toh.
"hoy anong kawalanghiya ginagawa mo kay Lay kuya?" taas boses kong tanong. Inirapan lang ako ng magaling kong kuya.
Dito pa talaga naglalandian ang mga toh. Ibang klase. Naiinggit na naman ako. Psh.
Tumayo na si Lay saka lumapit sa akin.
"lets go? ipinag paalam na kita kay Ace" ngumiwi lang ako kay Lay saka ibinaling ang tingin kay kuya na todo ang kapit sa braso ni Lay
Grabe d ko talaga kakayin toh! Omay.
"tama na nga yan, mahiya nga kayo sa single" irap ko. Ngumiwi naman si Lay sabay hila sa akin palabas.
May naghihitay na fortuner na labas. Ibang klase. Twing nakaka kita kasi ako ng fortuner nangingiti ako. stress reliever narin.
May driver si Lay saka kmabi inihatid sa kung san. Maya maya lang may pamilyar na daan akong nakita. Parang alam ko na toh. Teka! Dito din ba ang bahay nung Selene na toh?
Bumaba na kami saka sabay na pumasok. Medyo maraming tao. Mansyon diba toh ng mga Del Ferrer? Kina Ken?
Mukang tama nga hinala ko! Hayys. Mukang ma e'enggage na ang bebe kom choss lang. Pero seryoso sila na ba talaga? sila ba talaga?
Wala nga atang pag asa ako kay Ken. Hayop na yan. Tsh. Kalandian ko lang pala ang peste. Matatali na sa Selene na yun.
Parang gusto kong maiyak ng makita si Ken habang naka sabit naman sa braso nya ang braso ni Selene. Bagay naman sila kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
