Jade's POV (Point of View)
Binuksan ko yung sobre na binigay sa akin ni Kierra. Lintek, ambaduy ng disenyo. Yowts.
I, Kierra Dela Vega from Oxford International High School, inviting you to my upcoming birthday. Hope you'll come. 암캐. {April 22}
Loh? Anong salita na naman yung huli? ginawa nya kong b*bo. Yawts. Ano na naman tong huling salita? salita ba toh? Tangs.
Inis akong humiga sa kama ko. Haaaayyy. Bukas na ba yung 22? Tsk. Kaloka, ano na naman ba kasi yung sinasabi nyang mag suot ako ng disente? Saka, gags ba sya? ako? mukang tambay sa kanto kung manamit? kaloka ka.
Walang klase ngayong umaga. Mamaya pang hapon, may meeting daw kase saka naging reason din yung walang klase dahil nga daw darating na birthday ni Kierra. Loh? Ano yun? mga teacher maghahanda sa kanya? tsk. Hirap talaga basta mayaman. Yung iba kase kung maka tapak ng tao wagas. Epal.
--
Mag a-ala'una na. Mabilis akong naglakad pababa baka iwan ako ni kuya.
"bilisan mo nga..." inis na sabi ni kuya ng makita akong palabas ng bahay. Umirap ako sa kanya saka mabilis na sumakay. Nagsimula na rin itong magmaneho.May plano sana akong sabihin yung nararamdaman ko kay Ken mamaya kaso nahihiya yung pwet ko kaya wag nalang hehehe.
Ng makarating sa school ay mabilis akong bumaba padiretso sa room. Walang humarang, walang bulungan. Sana...
Aakyat na sana ako ng marinig ang mga kalokong bulungan. Ako ba tinutukoy nila? Huh?
"goshh! hindi na sya nahiya.."
"grabe nga gurl noh... anglandi.."
"yeah... kasama nga sila ni Layala eh.."
"yuckk"
Tinutukoy nila ay? Sino ba? ano ba? tsk. pa-epal lang. Hindi ko na pinansin at nagdiretso ang ako papasok ng room namin. Expected ko talagang maingay sila pero ngayon?,... tahimik.. sobrang tahimik... ni kuliglig sa room namin ay di nagingay.
"anong meron? bat ang tahimik nyo yata?" taka kong tanong ng makarating sa upuan ko.
Umiling lang sila saka sabay-sabay na naglabas ng notebook. Loh? may quiz ba ngayon? o ano? Busy sila sa binabasa nilang notes.
Umiling ako sa kanila saka ibinuklat nalang rin yung notes ko baka kasi may quiz kami. Mahirap na, baka itlog makuha ko. Lagot talaga ako netoh.
--
Isa sub nalang tapos na ang klase, ang pinagtataka ko kung bakit? bakit tila umiiwas yata sila? wala naman akong may ginawa ah. Saka wala rin si Ken. Ewan ko ba.
"Wala na raw klase sa last sub natin, magiging busy din daw kasi para bukas.. ewan ko kung anong meron." wika ng kaklase ko saka naghimos ng mga kalat. Tapos na ako kaya hindi na ako nag-aksaya pa dahil agad akong lumabas ng room. Susunduin ako ni kuya dito, sana. Kaso sabi ko sa gate nalang kami magkita.
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
