Chapter 72

287 13 2
                                    


Jade's POV (Point of View)


Anlaki. Pakshet! Para tong first floor ng mall. Ang laki-laki. 


"invitation?" lumingon ako sa lalaking naka tuxedo. Agad namang ibinigay ni Hirro yung kanya ganun din yug akin.


Nagulat ako ng humawak si Hirro sa bewang ko. Lumingon ako sa kanya pero nagpatay-malisya lang  ito. Hindi ko nalang pinansin at hinayaan ang kamay nya sa bewang ko. Nagpalinga-linga kasi ako, halos lahat ng may mga kasama ay ganon ang ginagawa.


Lumapit kami dun sa isang bilog na table saka inalalayan nya akong umupo. 


"gusto mo bang dun nalang tayo sa mga classmates mo?" tumingin ako sa kanya dahil sa tanong nito. Eto naman, nagpalinga-linga pa ko eh.


Eto ba yung disenteng suot?


"a-ah sige sige" tumayo nako saka sumunod sa kanya. Nagmumuka akong buntot, jusmeyo


Ng makarating sa mga kasama ko ay umupo kami dun sa bakanteng upuan. Dalawa-tato--apat!. Apat nalang ang bakante, yung iba kasi ay nasa tabi naming lamesa. Tabi kaming umupo syempre, hinanap ng mata ko si Ken pero hindi ko nakita. Magtatanong na sana ako ng may magsalita sa mic kaya lahat ng atensyon ay nasa harap na.


"good afternoon everyone" bati nito. Emcee yata. Pansin ko ang tulala sa akin ng mga kaklase ko. 


"today we'll celebrate the birthday of the only daughter of the Dela Vega family... She's Kierra Dela Vega..." umakyat dun sa may kalapadang stage ang isang babaeng naka gown. Pangsosyal ah. Kulay pula yung gown nya at kapag masilawan ay kumikinang-kinang. Nagmuka rin syang matangkad dahil siguro sa ilang inch nyang heels. Tsh. 


Nagpalakpakan na ang lahat aliban syempre sa akin noh. Sya? papalakpakan ko? kahit birthday nya pa toh noh. Saka pagkain habol ko dito kaya nga nagdala ako ng malaking bag kanina diba? Kaso umepal si Hirro. Binigyan ako nung purse. Psh, pero ayos narin baka nga mapahiya ako eh.


"thank you so much for attending my birthday especially my VIP guests" kaloka, pati birthday may pa Vip-vip pang nalalaman. Peste! mapapa sanaol nalang ako noh.


"By the way, I will announce good news later blah blah blah blah" hindi na ako nakinig, may naglilibot kasing waiter tas may naglalapg rin ng mga pagkain bawat lamesa. Nauna na akong kumain. Nagugutom na ako eh. 


Nagsimula na kaming mag usap-usap ng mga bagay-bagay. Nakaka op rin kaya noh, sumabay na rin ako sa kanilang maki-chismiss. Grabe halos buong school yata ang nandidito isama mo pa yung mga bussiness man pati mga anak at asawa. Psh, nandidito din kaya si kuya Ace? 


Siguro hindi yun pupunta sa birthday ng 'EX' nya. Wala pa ba si Lay?


"nakita nyo ba si Lay?" tanong ko sa mga kasama ko Umalis si Hirro, may pupuntahan daw.


"wala pa sya dito eh" sagot nila. Tango-tango lang ako saka nagpatuloy sa paglantak nung dessert nilang chocolate ice cream. 


--


Isang oras palang kami dito at mukang may idadami pa ang bisita ni Kierra. Ehe.


*grr *grr


'mukang tinatawag ako g kalikasan'


Tumingin ang mga kasama ko sa akin pababa sa tiyan ko dahil tumunog ito. Nako po.


"mag c-cr lang ako hehehe" paalam ko sa mga ito saka tumayo na. naglakad-lakad ako para hanapin yung cr kaso mukang wala sigurong cr dito---posible!


"a-ah.. waiter asan po ba yuung cr dito?" tanong ko dun sa papadaang waiter na may dalang wine. 


"dumiretso po kayo dito tapos kumaliwa kayo.." sabi nito. Ngumiti ako sa kanya saka nagpaalam na. Bubulwak na yata balunbalunan ko. choss


Sinunod ko ang sinabi nung waiter at nahanap ko nga. Ayun. Pumasok ako dun, pangmayaman ang lintek. Cr na ngalang eh. Tinalo pa ng cr nato yung kwarto ko. Echos.


Pumasok ako sa isang cubicle...


Ng matapos ay naghugas ako ng kamay ko saka nag disinfect. Lalabas na sana ako ng may makabunggo akong babae na may hawak pang wine. Grabe naman, mag c-cr na ngalang magdadala pa ng alak? 


Matutumba na sana ako ng hawakan nito ang pulsuhan ko at hilahin patayo. Humarap ako dun sa babae saka nag sorry--pero hindi nito tinanggap ang pasensya ko. 


"oh no dear.. you don't have to apologize especially since I'm the one at fault" ngiti nya, Sa tantya ko siguro ay nasa 30's na sya. 


"a-ah hehe.. ayos lang po.. hindi ko po kasi kayo nakita kaya pasensya po ulit" ngumiti lang ulit ang babae sa akin. Nakita kong may basa sa bandang dibdib nya dahil siguro sa natapong wine. "n-nabasa po" turo ko dun sa tinutukoy ko. Umiling lang sya saka ngumiti ulit.


"That's okay, I brought a replacement dress, wag kang mag alala" 


Nagpaalam na ako dun sa babae na babalik na. Tumungo naman ito sa loob ng cr siguro ay magpapalit.


"ilang oras ba kung umihi?" lumingon ako kina Ardie dahil sa tanong na yun. Psh


"trenta minutos yata Die?" sagot naman nung isa


"ako nga isang minuto lang eh tapos na"


Napairap nalang ako sa mga ito. Nagsisimula silang pagtripan ako ulit eh. Napalingon ako dun sa malakinig pinto ng may pumasok.


EHEM...


"kayo na ba?" bulong ko kay kuya ng makarating ito sa table namin. Namumulang tumingin sa akin si kuya bago umiling. Sinindot-sindot ko tagiliran nito


Sa wakas ay dumating rin si Hirro.....

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon