Chapter 73

409 16 2
                                        


   Jade's POV (Point of View)


Mag aalas'tres na. Ilang oras narin akong kumakain. Aba! andami kayang pagkain, syempre susulitin ko na rin.


"Tine? hindi ka ba titigil sa pagkain? halos natikman mo na lahat ng pagkain sa lamesa eh" panenermon ni kuya, hindi ko na sya pinansin at sinubo ko nalang yung natitirang macaroons. 


May mga kung anong entertainment pa nga eh. May kung ano ano pa minsan silang sinasabi pero hindi ko na pinakikinggan. Busy ako sa pagkain eh pake ba?


"Jade hehehe baka gusto mo pa?" lumingon ako sa tabi ko ng makita si Hirro na may iniaabot sa aking malaking plato. Puno yun ng iba't-ibang pagkain. Nagningning ang mga matang kinuha ko iyon kaso ngalang biglang may pumalo sa kamay ko dahilan para mabitawan ko yung hawak-hawak ko na sanang pagkain. 


"hindi mo ba talaga titigilan yan? kain ka ng kain hindi ka man lang tumataba" muling panenermon ni kuya. Taka akong tumingin sa iba-ba dahil nga baka nahulog yung plato kanina, sayang yung pagkain.


"pake mo ba kuya saka baka d na maulit sayang naman" bulong ko lang yun syempre. Baka makaltukan ako ni kuya sa public place. Kakahiya yun men!


"tigilan mo yan Tine. Nako ka, iuuwi talaga kita" dagdag pa ni kuya. Tumungo nalang ako saka nagmumoy. Para akong batang nagmukmuk dahil sa kinuhaan ng pagkain. Ngumuso ako kina Hirro, kesyo nga may saltik ang mga ito. Tinawanan lang ako.


Yumuko ako ng abutan ako ni Hirro palihim ng pagkain. Agad ko naman yung kinuha saka kinain, hehehe.


"Isa" nagulat ako sa boses ni kuya. Sa gulat na yun nahulog ko yung macaroons. Peyn! isa nalang yun eh. Pa epal talagang Ace yan eh. Kundi ko lang sya kuya nabatukan ko na sya. Lintek sayang yung pagkain.                   

     

Lumingon kaming lahat ng tumunog naman ng maingay yung mic. Sakit sa tenga. 


"hello everyone, hope na nag eenjoy kayo sa small party ko" 


Pingutin kita dyan eh, anong small party? small pa toh sayo? epic mo naman Kierra.


"I know you are all waiting for my anouncement, the big news.." wika nito ng para bang sobrang laki talaga malaki pa sa noo nya. Choss.


"I, Kierra Dela Vega will be engaged to the eldest of the Del Ferrer.... Kenford Vhrizx Del Ferrer..." 


Bigla nalang huminto ang lahat. Para bang nag so-slowmo bawat galaw ng lahat. Yung mga naririnig kong masasayang bulungan ay para bang salitang nakaka bingi sa akin. 


A-Ano?


Nakita kong umakyat si Ken sa stage na iyon. Naka-ngiti. Ansakit tingnan! Yung gusto kong isiping mabulag nalang ako?


Ng maka akyat na ng tuluyan agad nitong hinapit ang bewang ni Kierra. Ang saya nilang tingnan. Ramdam ko ang hawak sa pulsuhan ko ni Hirro. Ng tumingin ako sa kanya ay lungkot ang nasalubong ko. Malungkot na tingin. Para bang mas malungkot pa ito sa akin.


"thank you so much for attending Kierra's birthday party..." maikli nitong sabi.


"to everyone who attended my birthday, you were all invited to Ken and I's wedding" wika ni Kierra. Nagtama ang paningin namin at kita ko ang pag ngisi nito. 


Dahan-dahan akong tumayo. Gusto kong mag pa hangin. Gusto kong mapag-isa. 


Aalis na sana ako ng may biglang nagsalita ulit. Boses iyon ni Kierra kaya napalingon ako, higit lang dun ay narinig ko ang pangalan ko.


"so... Jade... you hear that right? Ken and I are engaged... kaya kung ako sayo, lumayo-layo ka kung ayaw mo ng gulo" rinig ko ang mahihinang tawa ng iba. Pahiya ako men!.


Palihim akong nag buntong hininga saka humarap sa kanya.


"wag kang mag alala... hindi ko sya aagawin sayo, hindi ako pinanganak para umagaw ng hindi sa akin..." ngumiti ako ng pasakit ang itsura. Durog na durog yata ako.


Si Hirro ang kasma ko kanina pero si Ken ang lagi kong iniisip. Pero bakit ganon?


"siguro naman... lulubayan mo na ang pambubully sa akin?" takang tanong ko saka muling ngumiti, yung pilit na ngiti lang. 


Tumalikod na ako pero bago yun ay nagkasalubong ang tingin namin ni Ken. Walang ka rea-reaksyon yung tingin nya, samantalang ako...


Tumakbo ako palabas ng malaking hall na yun kung saan idinaraas ang kaarawan ni Kierra. Maraming sasakyan ang naka-parada kaya nahirapan akong sumuot sa mga parte-parte. 


Ng makarating na sa highway ay dun na tumulo ang pinipigilan kong luha. 


"Tangna!" gusto kong sumigaw! sumigaw hanggang sa maubos ang lakas ko!. 


P*ta! kasalanan to ng lahat! kasalanan ko toh! Kung hindi na sana ako nag transfer sa p*tang*nang paaralan na yan! hindi sana ako mahuhulog sa tangnang pagibig na yan!


Tatakbo na sana ako ng marinig ang malakas na preno ng sasakyan. Malakas ang pagbusina nito, yung akalang babangga na ako pero hindi. May humatak sa akin palayo dun hanggang sa natumba ako sa kalsada at yung huling nakita ko lang ay ang pagkakagulo ng lahat.........

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon