Read at your own risk. Medyo wala akong alam sa mga batikulon--atay ewan. Kayo na bahala humusga okackes?.
Jade's POV (Point of View)
Muntik nakong mahulog sa kina-uupuan ko ng bigla akong gelatin ng walangyang si Ardie. Jusmeyo. Ma-aga akong mamamatay dahil sa katarantaduhan ng kumag na ito. Batuta nga'ng talaga.
"tatanggalin ko yang ngipin mo Ardie, nakaka nerbyos kang depunggal ka!" binatukan ko sya at agad naman naka iwas. Naka pout na sya?
"street foods tayo please" naka nguso nyang sabi saka pinaglapat pa yung dalawang palad na para bang dinadasalan nya ako. Wala akong pera.
"ayoko, sipot na sipot ang laman ng pitaka ko" irap ko saka naglibot ng tingin. Malapit ng matapos yung iba sa paglilinis.
Nakita kong nagdadabog si Ardie kaya nilingon ko sya saka pniagkunutan ng noo.
"libre kita" ngumisi ako sa sinabi nya. Kumuha ako ng papel sa bag ko saka ballpen.
Libre pala ah. Pwes, panindigan mo Ardie. Sinulat ko yung mga nakikita ko sa t.v, yung parang kontrata-kontrata. Lagot kang batuta ka.
"oh, pirmahan mo" abot ko sa kanya, napa kunot naman ang noo nitong tinngnan yun. Agad itong napa ngiwi.
"libre mo ko, tapos kapagka hindi mo itinuloy ay bibigyan moko ng isang pack ng chocolates. Nasa papel na yan ang mga gusto kong pangalan" ngisi ko. Isang pack, kulang pa yun sa akin pero baka ma sipot ko ang pitaka nito.
"ano ba naman yan, Jade. Andami naman" kamot ulo nyang sabi, jusko naman. Nag-iinarte na naman.
"kung ayaw mo de wag" irap ko "mag-isa kang mag street foods dyan" akmang tatayo na ako ng magsalita na naman sya. Halatang labag sa kalooban ah.
"oh sige na sige na, kaka-inis naman" napangiwi nalang ako. Lalabas na saka kami ng mag-aya pa pala ito. Nakaka-awa rin naman yung iba, naka tingin sila sa amin kaya napilitan kami ni Ardie na isama ang mga yun. Baka kidlatan ako mamaya kapag iniwan naming si dito na walang kain-kain.
"kanya-kanya tayo ha" pa-alala ko, nag si tanguhan naman sila saka bumuntot sa amin. Ang ingay-ingay ng mga toh.
Naka-labas kami ng gate saka dumiretso sa may plaza. Nandun kasi yung mga street foods. Malapit lang naman kaya nilakad nalang namin. Hindi ko maiwasang marinig yung mga bulungan ng mga madada-anan naming estudyante. Nasa Oxford nag-aaral ang mga ito na mukang sa ibang section.
"dalawa pong hotdog saka limang isaw" sabi ko sa tindera, naka ngiti naman itong sumunod. "ah nga pala, itong kasama ko po yung mag-babayad ng mga binili ko" tumango lang ito saka nagsimula ng mag-luto.
Umupo ako sa upuan namin kasama syempre sina Ardie. Para narin hindi ako ma-op sa mga usapan nila. Maya-maya ay natapos ring naluto yung mga pinambili namin. Nagsimula na kong kumain nung hotdog. Bumili narin kami ng buko juice. Libre syrempre ako ni Ardie.
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
