Her POV
"manang dalawa nga po ng ganon" itinuro ko ang bibilhin ko.
Bumalik muna ako sa pagkakaupo kasama si Kane. Kasi kanina nakita ako ni Kane, nakita nya rin si Ken kanina na sinisigawan pa ako. Tamang-tama naman ang dating nya dahil sa kanya na naman ako sasamang gagala. Hindi ako malandi ah. Friendly lang charot.
"ano pa ang sinabi ni Ken sayo?" humarap ako sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.
Nakakatuwa kasi yung itsura ni Ken kanina. Para syang batang sumisigaw dahil hindi nakuha ang gusto. Tsk Ganon ang mga papansin.
"sabi nya iimbitahin nya daw' ako sa party kaso ayaw ko dahil papansin sya!" sabi ko habang umiirap sa hangin.
"yun lang ba?" tumango ako "anong party yun?"
"ewan, hindi nya sinabi"
"Pupunta din ako ng party, maybe we're going to the same way"
"ahh" tango-tango lang ako hindi ko kasi naintindihan eh. Sorry bobo lang--joke. Nahiya lang talaga mag process sa utak ko ang mga english nya. Hindi ako bobo--matalino ako. Nahihiya lang ang braincells ko.
"Jade? do you really understand me?" humarap ako sa kanya. Titigan muna Kane.
"hindi, hindi kasi ako mahilig sa english" lumingon ako sa nagtitinda kanina dahil tinawag nya ako. Tumayo naman ako at lumapit sa kanya.
Kinuha ko ang binili ko at lumapit uli kay Kane, ayaw nya ng mga in-order ko, milktea lang daw ang sa kanya. Wala namang may nagtitinda ng milktea dito eh. Tsaka isa pa, ang mahal mahal ng isa tapos ang pait pa.
"yaman mo siguro, sabi kong buko juice subukan mo eh ayaw ayaw ka pa ikaw mag order ng milktea mo lubog ako ngayon" irap ko.
"not really, we only own three villas and one company"
Hala? Only? Ino-only nya lang ang tatlong villa? Edi wow, ikaw na mayaman. Ako na ang pobre. Hindi kako masyadong mayaman pero may tatlong villa at isang company. Pinagmumukha nya ba akong mapobre sa harap nya?!
"how about you?" hindi ko alam ang isasagot. Ano ba sasabihin ko? Na may company din kami pero isa lang? Aba for sure tatawa ang hayop na ito. Tsk. Pero syempre, palalabasin kong sosyal ang company namin at--truth lahat ang ilalabas. HEHE.
"isang company lang ang alam kong pagmamayari namin. Pero ang sabi ng tita ko mayaman din daw kami" yun naman ang totoo. Totoong totoo. Charot aba malay ko sa yaman namin. Si kuya Trev na kuripot. Si kuya Ace na hambog. Tsk.
"Wow. I know Mendoza who owns four companies and several islands" tumingin ako sa kanya
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Fiksi RemajaEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
