Chapter 2

2K 55 4
                                        



HER POV

"sabay ka?" tanong ni Lay umiling naman ako.

"susundo si kuya, sige na mauna kana nandyan na sundo mo oh" turo ko sa sasakyang naghihintay kanina pa.

"sigurado ka ah? baka ano namang gawin sayo ni Ken eh" umiling ako. Asus maniwala ka dun. Bakla-baklaan lang sya.

"kaya ko sarili ko, sige na kanina pa yun naghihintay eh oh" turo ko uli sa sasakyan.

Bumuntong hininga sya bago ako tinapik sa braso.


"sige-sige, basta kung anong gawin ni Ken sabihin mo lang sa akin sya nga pala calling card ko" ibinigay nya sa akin ang maliit na piraso ng papel kinuha ko naman iyon at ibinulsa.

Kumaway ako sa kanya bilang paalam, Umupo ako sa waiting shed, hinihintay ko kasi si kuya ang sabi nya kasi sya daw maghahatid-sundo sa akin. Tapos ang bagal-bagal la gumalaw. Habang naghihintay ay nakikita ko ang ibang estudyanteng naglalakad palabas ng school ang iba nag bibisikleta ang iba naman ay kotse.

Halatang mayayaman.

Nag-antay pa ako. Inilibot ko ang tingin sa bawat sulok ng school ng mahagip ng mata ko ang naka tayong si Ken kasama ng mga pangit nyang asungot.


Tumayo na ako para umalis, nakakailang hakbag palang ako ay hindi na ako maka alis, alam mo dahil?! Dahil na naman sa mga pangit na ito!

Hawak hawak na ngayon ni Ken ang bag ko. Oh see, papansin talaga. Halatang nakulangan ng aruga ng magulang.

Hinila nya palapit sa kanya ang bag ko, dala pati katawan ko. Bigla naman nya itong binitawan kaya tumba ako patalikod. Ibang klase talaga sya!


Nag tinginan yung ibang estudyante sa amin tinaboy naman sila ng asungot ni Ken. Hindi naman talaga lahat ng kaklase namin ang kasama nya ngayon, 5 lang naman ang kasama nya ngayon plus sya edi anim sila.

Mahina kasi sya kaya nagdadala ng kasama. Tsk.


"ano bang problema mo? kanina kapa talaga eh no? Papansin ka masyado alam mo ba yun? ha? Ang dami-dami dyan pwedebv awayin mo ako pa talaga.." inis kong singhal sa kanya.

Pinagpag ko ang madumi kong pwetan ng mapansing may gasgas ako sa may binti. Ano ba naman yan. Pagka ikli-ikli rin kasi ng palda.


"I want you to leave this school, I don't want you to be my classmate, you suck" wika nya. Aba? Aba talaga?


"wow eh noh? ano toh sayo? ikaw may-ari? kapal naman ng libag mo sa face" nangiinsulto yata ako nag seryoso na yung muka nya eh. Pero wala akomg pake.


"What?!" nag tawanan ang mga asungot nya kaya tiningnan nya ito ng masama. Oh? Bakit? Tinamaan ba sya?


"alis nako bye" paalam ko at mabilis na tumakbo paalis sa kanila. Ayoko maki-halubilo sa kagaya nyang papansin.


Hindi naman talaga makapal libag nya sa face eh, ang kinis nga. Mas makinis pa yung mukha nya sa balat ko. Sakin ang gaspang-gaspang. Malamang trabahong probinsya.


Nakakita naman ako ng bench sa tabi ng street kaya dun nalang ako umupo, t-next ko nalang si kuya.


TO: KUYA

Kuya, dito ako sa may bench sa labas ng school

Send


Aishh! nagugutom na ako, tumayo ako at luminga-linga baka kasi maka hanap ako ng tindahan o ano, ng wala akong makita ay nag lakad lakad ako hanggang sa di kalayuan ay may nakita rin akong stall.

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon