#LastSectionArrived
"Aalis nako kuya" sigaw ko at mabilis na lumabas ng bahay.
Ayaw kong mag pahatid kay kuya tsaka sasakit nanaman ang ulo ko pag nagsimulang magsalita iyung bunganga nya. Parang machine gun, hindi titigil haggat't hindi uubusan ng bala.
Nasaabas na ako ng bahay at nag hihintay ng taxi o jeep o tricycle, may pera naman ako. Kumaway ako ng makita ang paparating na trycicle, ang kaso ay may sakay pala ito.
M
ay muli na namang dumaang trycicle pero hindi man lang ako nito pinansin kaya kumunot ang noo ko. Aba mapili!
Nilingon ko ang gate dahil narinig ko ang tunog ng bakal, nakasalubong ko ang magkarugtong na kilay ni kuya.
"Saan ka pupunta?" taas kilay nitong tanong.
"Papasok na, baka malate ako sa bago kong school, mahirap na kebago-bago ko palang dun late agad ako" naka nguso kong sabi.
Alam na this!
Sya ang maghahatid sa akin, wala na talaga akong akong choice. Pero ang problema, kahit walang away, gagawa at gagawa si kuya ng kung anu-anong kwento para lang umandar sa sa pagbubunganga ang bibig nya.
Kalalaking tao ang ingay-ingay ng bibig.
"Sakay" sabi nito habang nakaturo sa sasakyan nya.
Sinunod ko naman ang sinabi nya, sumakay ako sa likuran ayaw ko dyan sa tabi nya. Masyado akong malapit sa maingay nyang bunganga.
"Gagawin mo ba akong driver mo, Tine?" pinandilatan nya ako.
Padabog akong lumipat sa harapan, binuhay nya na ang makina at nagsimula ng magmaneho.
Napansin kong parang lumalayo na ata kami kaya kumunot ng noo ko kaya hinarap ko sya.
"Masyado bang malayo ang lilipatan kong school?"
"Yes, kaya kung pwede wag ka ng makipag-away? Pag na expell ka ulit hindi na kita papaaralin tandaan mo yan!" pag sisimula nya.
Ayan na! Ayan na! Giatay talaga! May susunod pa yan!
Kung mag se-sermon si kuya, pa ulit-ulit! Parang sirang plaka. Memorized ko na nga ang mga linya nya eh!
Ng makarating, akmang baba na ako ng magsalita na naman sya.
"Bakit ka bababa? hindi pa ako tapos sa pagsasalita"
Giatay talagaaaa! Mag hanap ka ng paraan Tine! Hanapan mo ng palusot! Shemay!
"Nahulog kasi yung ballpen ko kaya pinulot ko pero hindi makuha kaya sinubukan kong buksan ang pinto" pagsisinungaling ko. Gagi ang hirap naman!
"Wag ka ngang magsinungaling saakin, 'yang palusot na yan sira na yan, bulok na Tine"
Tine Tine Tine Tine. Hindi ba nagsasawa si kuya na tawagin ako ng ganon??
"Kuya! Ma le-late naako oh" naka nguso kong sabi.
Inuuna pa kasi ang bibig nya. Kaunting pasensya nalang talaga lalakasan ko itong loob ko na tahiin ang malaking bibig nya!
Inabitan nya ako ng itim na wallet, nalilitong man pero kinuha ko rin.
Agad na bumilog ang cutie kong eyes-char basta, agad na bumilog ang mata ko ng makita ang mga blue bills na nasa wallet
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
