Chapter 17

783 31 3
                                    


Jade's POV 


Maaga akong nagising ngayon dahil kukunin ko pa yung bag ko, siguro ay dinala na iyon nina Lay kaya naman maaga akong pupunta ng school. 


"aba'y ang aga mo naman, Jade" bati sa akin ni manang ng makababa ako. Ngumiwi ako.


"may kukunin pa kasi ako, mauna na ako namang" paalam ko. Umirap ako sa hangin at naglakad na. 


Wala si kuya dahil sinamahan si Tita sa company habang si kuya Jace ay ummuwi sa inuuwian nyang conco unit--wala akong pake sa kanya!


Pumara na ako ng taxi at hinintay nalang na makarating ito sa school.


"eto" inabot ko ang bayad ko saka ako lumabas at patakbong pumunta sa building namin. 


Kakaunti palang rin ang mga estudyante kaya di na ko namoblema pa, dali-dali akong umakyat pero mabilis dan akong napagod dahil nahirapan yung mga binti ko paakyat kahit dalawang floor lang ang inakyatan ko. Nakakapagod talaga humabol sa walang pake sayo--jokes only.


Nandyan na sina Cyril, Adrew, Khalil, Zyrie, at Ardie.


Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong makitang bag o anino man lang ng gamit ko kaya napagdesisyunan kong tanungin ang kaklase ko na naglalaro ngayon ng cellphone nila. 


"Ardie, may na kita kabang may dinala si Lay o si Yael na bag?" tanong ko.


Tumango naman sya. Tutok parin sa cellphone.


"nasaan nila nilagay?"


"dinala ni Lay yun pero hiningi ni Yael sunod naman ay si Ken" ani Ardie habang ngumunguya ng pagkain.


"si Ken? saan nya naman dinala? nilagay?"


"hindi ko alam" yun lang ang sinabi nya saka pinagpatuloy ang pagkain, ng magsalita si Khalil. 


"dinala ni Ken sa bahay nya" aniya kaya tumingin ako sa kanya.


Abah?


"ha?"


"hakdog" agad ko syang binatukan.


Kinakausap ng maayos eh! bastos din.


"pwede nyo ba akong samahan sa bahay ni Ken na yun?" tumango lang sila.


Lalabas na sana kami ng makita namin si Ken na paakyat, naglakad ako papunta sa may hagdan. 


"Hoy, saan mo dinala ang bag ko?" naka pamewang kong tanong habang sya naman ay walang kareareaksyong tumingin sa akin. "yung bag ko? san mo dinala?" binaliktad kong tanong.

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon