Chapter 54

605 17 2
                                        


Jade's POV (Point of View)


"Jade sa kotse ka raw sumakay" nangunot ang noo ko sa  sinabi nila, may ngiting asar ang mga iyon ngayon


"ha? hakdog, kaninong sasakyan naman aber? Van lang dala nyo eh" kunot noong tanong ko sa kanila


"yun oh" lumigon ako sa itinuro nila, isang itim na sasakyan ang palapit sa amin. Pamilyar ang kotseng iyon, ng huminto sa harapana namin ay bumaba ang nagmaneho nito at nakita ko si Ken sa naka sando lang at short


Kahit ang suot nya ngayon ay mukang mamahalin di gaya ng sa akin, puro kasi galing sa ukay ang mga sinusuot kong damit, yung mga branded kasi na binibigay at nireregalo sa akin ni tita Trie ay nakatago lang sa cabinet ko, yung iba ay naliliitan ko na kaya binibigay ko ang mga iyon sa pinsan kong bata pa.


"Hop on" nangunot ang noo ko sa narinig, hanuraw?


"ha?" 


"Kai and Zyrie are with you inside so don't worry.... by the way, Ardie is with you too" ngumiti lang ito saka tumalikod na sa amin


Nakita kong lumabas si Ardie sa kotse at kumaway sa akin kaya ngumiti nalang rin ako, hindi rin nakawala sa pandinig ko ang mga tuksuhan ng mga tukmol, umirap nalang ako saka pumasok na sa koste.


Uupo na sana ako sa backseat ng makitang silang tatlo ang naka upo roon, pinilit kong paisigin ang bata pero umayaw ito. Silang tatlo rin ang nagpilit sa akin na sa harap raw kamo ako uupo, sa mismong tabi ni Ken, umiling ako noon pero pilit na pilit sila kaya wala akong nagawa saka parating na rin si Ken na may hawak na paperbag na grey. Ibinigay nya iyon sa akin bago nag maneho, ang sabi nya ay mamaya ko na ra wito buksan.


-


Medyo mahaba ng konti ang uwi namin kaya natulog ako, si Lay ay nauna ng umuwi kahapon, gusto ko sanang sumabay sa kanya kaso nga ay hindi raw dahil aalis sila ng pilipinas ngayon. Sinundo sya ng driver nila....


-


"Jade, gising na" 


Imunulat ko ang mata ko sa narinig. Medyo mainit pa kasi naman, alas sinko kami umalis, alas sinko ng umaga pa. Ng maka-wui ay alas diez na ng umaga, limang oras ang byahe na dapat ay dalawa lang, nag drive thru pa kasi sila habang tulog ako pero iniwanan naman ako ni Ken ng pagkain, si Yael ang nag drive sa Van.


"oh? kanina pa tayo naka-uwi?" umiling lang sya, napansin kong nasa bahay kami ngayon ni Ken kaya tumingin ako sa kanya


"dito daw muna tayo sabi ni Sir A, isasabay raw natin ang oras ng uwi nila sa campus. Para raw hindi halata ng parents" tumango-tango lang ako saka bumaba na, naka park sa labas ang dalawang sasakyan kaya medyo mainit talaga.


Napansin ko ring may nakabalot sa akin na kumot, tinanong ko si Ardie kung sya ba nagbalot sa katawan ko nun pero umiling lang sya at sinabing si Ken ang gumawa non. Hindi na ako magtaka kung gagawin nya iyon

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon