Chapter 28

856 24 3
                                        



Jade's POV (Point of View)


"Jade...Jade gising na uy" minulat ko ang mga mata ko


Ano ba yan, ang sarap ng tulog ko eh...Lay?


"a-anong ginagawa mo sa kwarto ko?" kinurot nya ako agad kaya natauhan ako


Dapak! ang sakit ah


"anong sa kwarto mo?, tuleg nasa tent tayo no" may kinuha syang tupperware at lumabas "maliligo lang ako, sabi ni Sir A kailangan nandon na lahat ng sections sa Site" ngumisi lang sya saka ako iniwan


Hinawakan ko naman yung pisngi ko, ang hapdi lalo na yung labi ko, oo nga pala nasampal nga pala ako ng ilang beses kahapon kaya ganto inabot ko


"JADE!!" nataranta ako ng may tumawag sa akin, agad naman akong lumabas ng tent saka nag inat bago pinuntahan si Ardie at Niel


"oh?"


"hindi kapa nakakain, eto nalang iniwan nila sayo oh" binigay nya sa akin yung malaking plato na may ilang sandok ng kanin saka ng ulam na medyo marami pa naman


"ang dami nito noh, di ko to mauubos" ngumuso ako saka nagsimula ng kumain


Kumain na sila kanina? hindi man lang nila ako tinawag?...


"tulog mantika ka kaya di ka na namin ginising" ngumisi lang sila saka nag ayos na ng mga gamit saka nagpulot ng basura


Hanep, nahulaan yata inisip ko


Matapos kong kumain kumuha na nag ng bagong susuotin, babantayan raw ako ni Lay habang nasa loob ako ng CR kasama sina Ardie, Niel saka Kai. Utos nga raw ni Ken, abno talagang yun ginagawa akong bata


"bilisan mo na dyan, 20 minutes nalang" tumingin sya sa relo nya, pumasok naman ako saka naligo narin


Habang naliligo may narinig akong sigawan sa labas, dali-dali naman akong nagbuhos ng tubig sa katawan ko saka nagbihis na....huli ka!!


Pati ba naman ngayon? 


"loko ka, kasalanan ba naming kayo ang nagka penalty hindi kami?" ngumiwi si Lay ng sabihin nya yun


Sina Ardie ay naka tingin lang kay Lay saka si Pink, si Kai naka handa na siguro baka sumugod sila eh


"kayo naman talaga ang dapat sisihin at hindi kami!!" tinulak-tulay ni Pink si Lay kaya umawat na sina Ardie


"hoy mga retokoda, kapal ng muka mong isisis sa amin ang ginawa nyong' kasalanan no?" lumapit ako kay Pink saka sya sinapak

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon