Chapter 49

640 22 3
                                        



Jade's POV (Point of View)



Buoong araw akong natulog kahapon (saturday). Ngayon naman ay may pupuntahan kami nina kuya Ace at kuya Trev. tsk.


"baba na" sinunod ko ang sinabi ni kuya Trev, isang sasakyan lang ang gamit namin, yung sasakyan ni kuya Trev syempre. 


Nga pala, dito na daw uli titira si kuya Ace, ewan ko kung bakit. La kong pake.


Pumasok kami sa isang malaking building. Syempre tiningnan ko yung malaking logo na nakalagay sa pinaka taas. 


'Mendoza Corporation'


Companya ni kuya Trev. Bigay sa kanya ni papa. Bati dito bati doon ang ginawa ng mga empleyado kay Kuya, Nalilitong lumipat ng tingin sa akin yung mga yun, para bang ngayon lang nila ako nakita. Psh. Nakapunta na rin naman ako dito, siguro ay mga baguhan na ang iba sa kanila.


May ipinasuot sa amin si Kuya Trev, isang ID, visitor's ID. May pangalan at muka namin ang nakalagay dun.


"anong gagawin ko dito?" tanong kay kay kuya ng makapasok kami sa opisina nya.


"Ace and you will tour the entire company, pagnatapos kayo ay bumalik kayo dito... kailangan nyong i-details sa akin lahat ng makikita at malalaman nyo.. pagkabalik nyo dito ay puntahan nyo ako sa conference" yun na ang sinabi ni kuya dahil umalis na sya


Ngayon..... kaming dalawa nalang ni kuya Ace ang natitira, wala yata syang planong gawin sa mga sinabi ni kuya Trev, ganoon rin naman ako noh. Ang laki-laki ng kompanyang ito tapos lilibutin namin? kaloka!


"let's just hurry around, may date pa kami ni Kierra" muntik na akong matisod sa huling sinabi ni kuya, nyeta! kahit ba namna dito, Kierra parin bunga-nga nya? lintek na yan, akala ko ba break na sila?


Tanga rin naman ni kuya Ace, ano! TSK. Niloko na nga sya pilit pa nyang binabalikan yung malantod na lintang yun! LETSE!


"edi mag date kayo! pake ko naman, saka kung ayaw mong mag libot pwede ka ng umalis, ako ng sasalo sa mga sermon ni kuya Trev!" naglakad na ako papunta sa labasan, pero nagsalita ulit ako "niloko ka na nga ng harap-harapan, LETSENG BUHAY YAN!!" sigaw ko sa kanya bago pabagsak na isinira ang pinto saka mabilis na naglakad dun sa kumausap kanina sa akin, Yeena Gravel


'tang*nang buhay yan!'


"Oh? Yeshua?" inis akong tumayo paharap kay Yeena, hindi nya gustong tinatawag ko syang Miss o ate gusto nya ay sa mismo nyang pangalan.


"hindi ko tunay na pagalan yun, Yeena.. Jade! yun ang orihinal kong pangalan" wika ko saka umupo sa tabi nya


"naka busangot ka? may problema ka ba? mabigat ba?" umiling lang ako


Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon