Chapter 77

326 15 2
                                    


Jade's POV (Point of View)



Naglalakad nako ngayon pauwi. Hindi muna ako sasabay ulit kay kuya Ace. Saka gusto kong mag laakd-lakad.


Andaming eskenita dito pero hindi naman ako aliligaw dahil medyo kabisado ko na bawat pasikot-sikot. May hawak rin akong ice bag na hiningi ko kanina sa clinic. Marami naman raw'ng ganon sa clinic kaya binigay nya nalang sa akin saka sabi ko wag na pero mapilit yung nurse eh.


Ansakit parin pero kaunti nalang rin naman. Yung mga kalamnan ko lang ang medyo napuruhan nila kanina. Mapilit din yung mga kaklase ko kanina na ihahatid nalang daw nila ako pero sadyang may katigasan ang ulo ko kaya tumanggi ako.


Maggagabi na rin sa tantya ko ay alas sinko na. Isang oras yata lakad ko pauwi, bagal rin kasi akong maglakad dahil nga sa natamo ko, nakapag-palit narin ako pero t shirt nalang. Pinahiram narin ako ni Ardie nung coat. Sa friday pa naman kasi talaga kami magsusuot ng ibang uniform.


Bale kapag Monday at Tuesday. Naka uniform kami ng walang coat. Kapag naman Wendnesday ay naka P.E kami pero panandalian lang dahil nga naka uniform dapat. Kung Thursday ay gaya ng mon at tuesday. Friday naman ay may coat na ang mga uniform namin.


Yung necktie namin ay medyo mahaba. May apat yun na linya na nagprprisinta kung anong grade mo na. Saka meron ring pin. Sa Pin na yun ay logo ng school. Maliit lang syempre.


'takte, bat parang pamilyar ang mga itsura ng mga toh?'


May mga naka harang na grupo ng lalaki sa harap ko. Isa---lima sila. Mga matatangkad pero ang papayat. Nako'naman. Ito ba aaway saken? tsh.


"ikaw ba si Jade? Jade Mendoza?" tanong nung sa gitna. Tumango lang ako saka umiba nalang ng daan. Mukang alam ko na ang mangyayari. Hahakbang na sana ako ng magsalita itong muli.


"may gustong iparating sa sayo ang boss namin" lumingon ako sa kanya dahil dun. Ano naman kayang boss na yan?


"ano?" walang gana kong tanong, nako naman putol-putol. May pa thrill pang nalalaman, hindi nalang diretsohin? tsh.


Bigla nalang akong natumba dahil sa ginawa nilang sabay. Bat ba lagi nalang akong nanghihina kapag gantong away? tsh. Hindi naman na masakit ug ginawa nya. Masakit lang na masakit. Jusme mababaliktad yata sikmura ko.


Bigla akong nilapitan nung isa para sana sipain sa tyan ng agad akong naka iwas. Gumulong ako palayo pero naabutan ako ng mga ito. Ang sakit....punyeta ang sakit sa katawan. Gusto ko ng magpahinga eh tapos dadagdagan na naman nila. Peste!


Naka hanap ako ng tyempo para makaalis pero ang haba naman kasi ng braso ng mga toh. Agad akong hinila. Hinawakan ako nung dalawa sa braso saka yung iba ay sinuntok-suntok yung tyan ko. Mapapasigaw nalang ako sa sakit.


Para bang hindi ako babae sa paningin nila. Yung para bang lalaki ako sa tingin nila ay makakalaban ako. Haaays.


"hoy hoy hoy!" napatigil lang ang mga ito ng may sumigaw sa likuran. Dugong-dugo na yung bunga-nga ko. 


Sunod ko nalang na nalaman ay tumumba ako sa semento yung mga lalaki kanina ay nakikpag away sa kung sino. Yung sumigaw kanina ay boses babae yun, pamilyar rin. May humawak sa akin nung tatayo na ako. Hindi naman yun mahigpit bale parang bang aalalay yun. Ng lumingon ako ay nakita ko ang malungkot na tingin sa akin ni Clyde. 


"sila ba yung mga nambubully sayo sa Oxford?" hindi ko alam kung anong isasagot dahil sa gulat. Napalingon naman kaming sabay ng may lumapit sa amin na agad akong niyakap.


"Jadeeeee!!" masaya nitong bati. Napyakap narin ako sa babeng toh.


Hindi ko akalaing magkikita kami sa ganito na namang eksena. 


"Sheena Clyde. nung ginagawa nyo dito ha?" panunukso ko. Mag syota kasi ang dalawang toh. Bale ako yung nagiging third wheel sa date nila pero ako yung nagiging mistulang leader kapag away ehehe.


"syempre mag de-date sana kami kaso nakita ka namin yun...." ngumiti nalang ako. Inalalayan ako ng dalawa patayo.


 Lalabas na sana kami nung kanto ng may humintong sasakyan sa harap namin. May bumaba dun at nakita ko si Hirro na nagaalala yung itsurang naka tingin sa akin. 


"Shit! what the hell... anong nangyari sayo?!" hindi makapaniwala nitong tanong. Tumulong rin ito paalalay sa akin hanggang sa ipasoko ako nito sa loob ng kotse nya. "sumabay na kayo" sabi nya sa dalawa na agad rin namang sumunod. 


Hindi ko na pinakinggan o sumagot man lang kay Hirro habang nagtatanong sya. Yung dalawa sa likuran ko ay mukang nag fe-feeling close sila eheh.


--


"gising na?"


Napamulat ako ng mata ko ng makita yung tatlo na naka harap sa muka ko. Sa MISMO kong muka. 


"letse ampapangit naman ng muka nyo.." bulong ko pero narinig nila kaya agad nila akong kinurot. 


"is she awake?" napalingon ako sa kabila ng makita si kuya Ace? nung ginagawa nya dito? atsaka asan ako?


"nasa bahay ko kayo.. ikaw" umirap nalang ako ng magsalita si Hirro. 


"gaga teh.. ito na pala si Ace.." lumingon ako kay Sheena. Halatang kilig na kilig pa.


Si kuya Ace kasi yung crush dati' ni Sheena. Mga araw na pumunta sya sa bahay si kuya agad hinahanap nya. 


"gumwapo lalo si Ace ah.. muntikan ko ng hindi makilala kanina, saka basta basta nalang yang pumasok dito kanina kaya yun na suntok ko.. hehehe" napanlaki nalang ako ng mata. Kaya pala may pasa si kuya sa gilid ng labi nya. Bawas pogi points yun kay--


"jade mag lulugaw ka nalang?" tumango nalang ako.


Nag kwento-kwento pa yung dalawang kasama ko. Sina Clyde at Sheena. Pansin kong hindi ako tinatanong ni kuya tungkol sa nangyari sa akin pero ayos na yun kesa naman sa magtanong sya hanggang sa basta-basta nalang susugod........

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon