HER POV
"where have you been?" taas kilay na tanong ni kuya ng makapasok ako sa bahay.
10:59 pm. Mag aalas'onse na nga rin eh, pano kasi nilibot namin ni Yael yung plaza tapos kumain pa kami tsaka gumala. Ewan ko, pa fc rin ang umang eh.
"kasi kuya..." dapat talaga hinanda ko na ang mga palusot ko kanina. Langya.
"what?" pagtataas nya ng boses. Napa-pikit naman ako. Seryoso na talaga sya, pano na ba yan kasi!
"kasi uh.. umikot-ikot kami ng uh kaibigan ko--oo... naglibot kami tapos nagutom kami syempre kumain kami tapos.."
"your not telling the truth" matalim nya akong tinitingnan na para bang sinuri ako. Hala jusko!
"totoo nga--"
"I'm leaving" tumingin ako sa likod dahil sa pamilyar na boses at tama nga ang hula ng boses na yun, si kuya Ace.
Tumingin ako kay kuya ng naka ngiti pero inirapan nya lang ako kaya ngumuso ako. Ang suplado akala mo naman kung sino. Eh ang pangit-pangit nya. tsk.
"You won't eat here?" tanong ni kuya sa kanya.
"No, I lost my appetite and I'm going somewhere as far as I know" sagot nya habang naglalakad paalis at patalikod na kumaway.
Hahabulin ko sana sya kaso hindi na naabutan dahil mabilis nyang pinaharurot ang kotse nya palayo. Ang sama talaga ng ugali ng kuya ko. Parehong-pareho talaga sila. Pares na pares. Bagay na bagay. Masiraan ka sana ng gulong, tapos mananakawan ka. Then magiging palaboy kana sa kalsada dahil broke kana!
Dumiretso ako sa taas pero nagsalita na naman si kuya.
"where are you going?" tanong nito. Nag cross-arm pa. Abah!
"matutulog" hindi ko na sya pinansin pa dahil mabilis akong tumakbo paakyat at ni-lock ang pinto.
Bakit ganon? Ibang-iba na ang trato sa akin ni kuya Ace. Wala naman akong nagawa sa kanya sa pagkaka-alam ko. Dadaanan nya ako na parang hindi kami magka-kilala. Tsk. Kaartehan lang talaga sya. Isumbong ko sya kay papa makikita nya! Baka pag nasumbong ko yun, mas aamo pa sa tuta ang mukha nya.
"Tine?" tumingin ako sa pinto ng kumatok si kuya tiningnan ko lang ang pinto at pinakinggan ang mga katok ni kuya.
"Tine, open the door" mahinahong sabi nya.
Hindi ako nakinig. Bahala sya dyan, may atraso kapa sa akin kuya. Kaya no thanks. Hmp. At isa pa, hating gabi na gusto ko ng matulog dahil pinagod ako ng Yael na iyon!
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Fiksyen RemajaEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
