Jade's POV (Point of View)
"tsk. ang sakit parin kaya ng ulo ko noh!" binatukan ko si Ardie habang ngumunguya nung prutas na binili raw nila.
Nga pala, nandito si kuya Trev kanina, kinuwento sa akin nina Ardie yung nangyari kagabi, hindi ko nga akalaing pumunta rin daw dito si kuya Ace pero di din daw nagtagal ng isang oras, si Kuya Trev ay bago lang umalis babalik rin naman daw, may kakausapin lang iportante.
"oo nga kasi Jade!" sya naman ang bumatok sa akin na agad napatayo yung iba dahil sa ginawa nya, patawa-tawa ang alam si Ardie habang yung iba mukang isa nalang na batok sa akin ay bubugbugin na nila si Ardie
Ngumisi ako kay Ardie saka kinuha yung mansanas na binalatan nya kanina. Kinain ko muna yun saka sya binatukan sa abot ng lakas ko, tawang-tawa kaming lahat ng makita ang reaksyon nya. Mukang iiyak sya dahil sa ginawa ko.
"nga pala matanong ko nga kayo, nasaan ba sina Ken, Yael at Lay? hindi ko pa sila nakikita ah?" tanong ko habnaga umaayos ng upo
"si Lay ay umuwi na muna, pinauwi ni Sir A, si Ken ay may pinuntahang importante habang si Yael ay hindi namin alam kung saan pumunta, bahala na sya sa buhay nya" si Kai ang sumagot sa tanong ko habang yung iba ay pasipol-sipol lang
Tumango nalang ako saka tumulala sa bintana, papadilim na rin. Gusto kong lumabas paar makita ang di gaanong maliwanag na bwan dahil sa mga nakatakip sa kanya na ulap.
"pwede bang umakyat sa rooftop?" tanong ko, nagpatay malisya lang sila na parang walang narinig sa tanong ko "mga punyeta sumagot kayo!" bulyaw ko sa kanila. Napatalon yung iba gaya nina Ardie habang yuung iba ay wala paring imik.
Sina Ken, Lay at Yael lang ang wala dito ngayon. Bale 12 kaming nasa loob, medyo malaki naman yung kwarto na binayaran daw ni Ken.
Bumaba ako dala yung dextrose ko saka ako lumabas ng kwartong yun, hindi siguro nila ako napansin dahil siguro sa mga mala-lalim nilang iniisp. Pake ko naman!
May rooftop naman siguro dito, magtatanong nalang muna ako para naman sigurado.
"Nurse? may rooftop ba dito?" nakangiting syang tumango saka ako binigyan ng susi, ha? bakit may susi pa? hwag nyang sabihing naka lock yun?
"dumaan nalang po kayo sa likuran ng room 134, marami po kasing tao kung sasakay pa kayo sa elevator" naka ngiti ko itong kinuha syempre yung pekeng ngiti noh
May likuran pa pala yung room na yun? tsk.
Naglakad ako pabalik sa room 134 kung saan ako naka confine, nilibot ko yun at may nakita akong pinto. Ito na siguro yun. Binuksan ko na yun saka naglakad papasok, maliwanag ang loob at kitang-kita mo ang maraming ilaw, hindi naman sya medyo creepy.
Ng makarating sa isa pang pinto ay yun na pala ang rooftop, mukang di ako dumaan sa mga hagdan-hagdan ah, sa ilang hakbang lang kasi ay nakarating ako agad. Magic siguro...
![](https://img.wattpad.com/cover/250173917-288-k499213.jpg)
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...