Jade's POV (Point of View)
"barbiela--" sabay naming binatukan ang mga langyang sina Ardie. Nakakarindi na kasi yung kanta nila saka ibang-iba ang nabubuo sa isip ko. Esh!
"aray naman, aray.. aray" busangot nina Ardie. Umirap kami sa mga ito saka pinagpatuloy ang ginagawa. Mag su-summer na raw kasi tas gusto nilang mag-bakasyon, nakisali nalang rin naman ako. Gusto nilang mag beach.
"Jade, ikaw nalang yung gumupit nung mga yun" nguso ni Zyrie sa likuran ko, lumingon ako at nakita ang iilang cartolina at illustration board sa isang carton. May mga design na yun ng kung ano-ano, gugupitin nalang.
"gege"
Tumango ako saka lumait dun para sana kunin ng may humawak sa kamay ko. Inangat ko ang kamay ko at nakita si Ken. Agad namang nangunot ang noo ko saka agad na binawi ang braso kong hawak nya.
"oh?"
"ako na gugupit nyan, dun kanalang sa mga bond paper" tumango lang ako saka tamad na tumayo papunta sa sinasabi nya. Wala akong gana ngayon, nakaka tamad talaga.
Nakailang gupit na ako ng may kumatok sa pinto, lahat kami ay napa-lingon dun at nakita si Hirro at kuya Ace na walang emosyong nakatayo sa tabi ng pinto. Pumasok sila at tumabi sa akin, tengene. Ano na namang ginagawa nila dito? Kahapon pa pati nung isang araw sila nandidito.
"ginagawa nyo dito?" takang tanong ko. Lumingon sila sa akin saka ngumisi, katabi ko narin pala si Ardie na palihim na kumakanta nung barbielat. Wew.
"wala lang, tatambay kami" wika ni Hirro. Nangunot ang noo ko.
"timang!, ang klase nyo? tas kami naman magagalitan nyan" sabi ko, kumamot batok lang sya. Tumingin ako kay Kuya dahil hindi sya nag-sasalita. Napa-ngisi ako.
"ehem" pagkukuha ko sa atensyon nya. Agad itong namula, nagkatinginan kami ni kuya saka sya yumuko. "pasimple pa, halata naman" bulong ko pero mukang narinig nya yun.
"I-I'll just get some water" tumayo ito saka mabilis na ualis sa room namin. Pasimple akong tumingin kay Lay dahil naka tingin rin pala ito sa amin. Namumula rin. Parang mga kamatis!
Si Hirro na ang nagpatuloy sa pag-gugupit. Wala pala si Ken at Yael, hindi ko alam kung san pumunta ang mga yun. Pake ko naman?!
--
"alas'sinko na noh" pikon kong sabi, nagyaya kasi sila na mag pa-party daw. Wala namang dahilan para gawin yun kaya nag decline ako sa pag-aya nila sa akin. Saka baka makagalitan ako ni kuya Trev.
"sige na kasi!" pumulupot sa braso ko si Ardie, tuleg na batang toh. Inalis ko ang braso ni Ardie sa braso ko.
"Ayaw! period!" pagkukumpirma ko na. Naglakad na ako palapit sa gate saka kumaway sa mga ito, panlulumo ang nakita ko sa muka nila. Hindi kasi ako nag pa-party, hindi naman ako party girl noh. Pretty girl lang. Joke
Sinundo ako ni kuya Ace. Muka ngang nagkakasundo na kami ng kupal natoh. Si kuya Trev ay minsan nalang pumupunta sa kumpanya. Tinatamad raw. Kuya kong kubal!
"yung raya?" takang tanong ko kinabukasan. Nasa room na kami lahat. Nag dala ng movie si Kai saka Zyrie pati nadin yung iba. Kanya-kanya yatang genre sabi nila.
"Raya and the last Dragon?" tanong uli namin, tumango-tango lang si Ken. Kalalaking tao nanonood ng disney. Approve! joke.
Nagsimula na yung movie. Nasa malaki yun na tv. Flat Screen tv. Malapad yun. Matagal naring hindi napapa-andar yung tv kasi wala naman raw'ng panggamitan. Malapad yung tv namin dito sa room, sa kanila pala. Pinatay namin yung ilaw, sinirado yung mga bukas na bintana pati narin yung pinto. Tinabunan rin namin ng makakapal na kurtina yung bintana kasama na yung dalawang pinto. Napapalibutan na kami ngayon ng itim na makakapal na kurtina.
Yung mga upuan namin ay may kanya-kanyang malalambot na unan. Bumili narin sila kanina ng pagkain, popcorn. Katabi ko ngayon si Lay saka Ardie nasa likuran ko naman mismo si Ken. Hindi naman abala sa akin.
Malinaw na malinaw yung movie. Para bang nakopya ito sa cinehan. O di kaya may mataas ito na P. Ewan ko kung ano yung P na yun basta yun yung nakikita ko sa youTube Yung may mga 360p--
"tuleg na vice yan!" nagtawanan kami sa inis na sinabi ni Jerald. Kamuka kasi ni Meme Vice Ganda yung babae sa raya.
--
"ayay gagi"
"ikaw ipapatapon ko dyan Cyril!!"
"ididikit kita dyan sa itim para maging istatwa kang lintek ka!"
"boplaks naman nung vice na yan!"
Kanya-kanyang comment tungkol sa movie. Mga loko talaga, hindi naman yan si Vice.
"sana may susi rin tayo na dragon"
Nagtawanan kaming lahat sa comento ni Ardie. Agad ko syang binatukan.
"tuleg kang bata ka, susu yung--" agad akong binatukan nina Lay. Aray naman...
"anong susu, jade? ha? ha?" makahulugan nilang tanong. Nga pala!... a-ahm... hehehhe
"peace?" sabi ko kataas nung dalawa kong daliri sa kanila. Hindi ko naman kasi naisip na susu--punyeta...
Nagpatuloy uli kami sa panonood. Malapit na sigurong matapos.--
"Lintek na title yan!... last dragon daw tapos marami pala"
"scam"
"raya and me kasi dapat"
"lohh"
Natawa nalang uli kami sa mga kalokohan nilang komento. Tama nga naman, bakit last dragon? eh maraming dragon yung nasa huli? peks na yan.....
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
