HER POV
"masakit pa' ba yang muka mo?" tanong ko kay Kane.
Nasa clinic parin kasi kami hanggang ngayon ni Yael pero agad namang umalis ng nagising si Kane sa di ko malaman na dahilan. Bahala sya.
"not that much" ngumiti si Kane sa akin para ipakita na ayos lang talaga sya. Okay!
"pano pag nakita ng magulang mo yang muka mo? ano nalang ang sasabihin nila?" tanong ko, tumawa lang sya.
"I have my own condominium, they won't know this.." Tumango-tango nalang ako.
"So, are you the only one who brought me here?" tanong nito at umiling ako.
Hindi ko pa natatanong ng maayos si Kane tungkol sa nangyari sa rooftop, kapag kasi tinatanong ko yun ay pabalang nya akong sinasagot at minsan iniiba nya ang topic. Iniiwasan nya ang nangyari.
"kasama ko si Yael" ngiti ko agad namang nawala yung magandang silay ng ngiti nya ng banggitin ko ang pangalan nya.
"and why did you let him' carry me?" seryoso nitong tanong.
At, kasalanan ko pa? Ano ako si superman? supergirl? Kung ako yung mga yun, hindi ko na hahayaang maki-karga si Yael.
"wala na kasi akong choice dahil nawalan kana ng malay nun tapos hirap na hirap narin ako kakabuuhat sayo tapos bababa pa tayo ng hagdan tas itatakbo pa kita papunta dito" diretso kong sabi sa kanya ng walang hinto. Nakaka-hingal.
"tsk.. okay-okay"
Nagusap pa kami pero kahit anong tanong ko patungkol sa nangyari sa kanya, iniiwas nya agad. Bahala sya!. Naiinis ako.
"mag-ga-gabi na wala ka ban' planong umuwi?" tanong ko kay Kane habang nililigpit yung notebook ko.
Nag review rin kasi kami tinulungan nya ako sa mga subjects na hindi ko masyadong kabisado. Tutor ko sya kanina. Hehe.
"you go first" ngiti nya.
Humarap ako sa kanya ng naka kunot ng noo.
"anong ako? mauuna ako sayo? Hindi! sabay tayo baka kasi hindi kapa masyadong okay tas baka ma tegok ka sa daan kaya sabay tayo, ihahatid kita sainyo" pigil ko ng magsasalita uli sya.
Wala naman syang magawa dahil sorba rin kung pilitin ko sya kaya yun sabay kaming umuwi, nag text na ako kay Yael na mauuna akong umuwi. Ayun naman kasi ang pabilin nya.
Hindi pa daw kasi sila umuuwi ngayon exept me, na inexuse ni Lay at Yael sa klase dahil binabantayan ko ngayon si Kane sa clinic.
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
