Jade's POV (Point of View)
"m-mas mabuting itago nyo na muna sya sa paningin ni Jade" hindi ko maiwasang marining ang mga sinasabi nila habang naka pikit ako
"tama si Jerald, hindi natin alam ang gagawin ni Jade pagnagkataong makita nya ang isa sa ating nag traydor, sigurado akong lagot tayong lahat"
"pero imposible naman yata yun Cyril kung ganon ang gagawin natin....."
"si Ken na ang bahala na itago si--" nabigo akong marinig ang sasabihin ni Kyle dahil sa malakas na lagubog ng pinto, mabilis akong napa-mulat saka napabangon kahit medyo nanghihina pa ang nararamdaman ko
"what the f*ck happend to them?! to her?..." lumingon si Ken sa gawi ko at kita ang nagliliyab nyang mga mata "who did this to you?!" galit nitong tanong
Biglang lumapit sa kanya si Kai at bumulong, nakita ko ang mas lalong galit sa itsura nito. Mas lalong nagsalubong ang kilay kasabay ng sibra ring pagka kunot ng noo. Muli itong lumingon sa akin bago mabilis na ibinalibag ang pinto. Tumingin ako sa mga katabi ko na nag-lalaro ng ng cp nila. Kanina kasi nung dumating si Ken ay huminto ang mga ito.
"teka nga, patuloy mo nga yung sinabi mo kanina Zyrie" naka kunot na tanong ko, bumaling sya sa akin saka umiling
"wala yun Jade, magpahinga ka na" tumango lang ako, hihiga na sana ako ng may ma-alala
"nasan na sina Ardie? si Hirro at kuya Ace??" gualantang tanong ko ng pumasok ang mga ito sa isipan ko
"pinauwi namin si Ardie at Hirro, yung kuya mo naman may kinausap lang babalik rin yun" si Kai na ang sumagot
"bat nyo pinauwi si Ardie? pati si Hirro? walang gagamot sa mga sugat nilang yun!" galit kong sabi habang pilit na tumatayo kaso di ko kaya
"Wag ka na munang tumayo Jade" paalala nila, umirap ako sa mga ito. Inihiga ko ang katawan ko pero hindi ako natulog syempre.
Maya-maya lang ay isa-isa na silang napagpasyahang umuwi. Kumukunti ng kumukunti yung tao sa kwartong ito hanggang sa kaming tatlo nalang ang naiwan. Ako kasama sina Zyrie at Kai na naka tapat na naman sa mga kanya-kanya nilang gadgets. Muli kong inirapan ang mga ito saka dahan-dahang tumayo, hindi na rin naman masakit ang katawan ko saka hindi ako napansin ng dalawa habang paalis ako dun.
Ang sabi ni Kai ay dadating daw si kuya pero mag-gagabi nalang ay wala parin ito, ganon din si Ken na hindi pa rin bumabalik. Pinihit ko ang doorknob ng dahan-dahan at walnag ingay na magagawa. Hindi ko alam kung maayos na ang lagay ng araw ko pero gusto kong puntahan si Hirro, may pagka guilt na namamalagi sa katawan ko dahil sa nangyari, nadamay ko pa ang dalawa. Hays.
Suot ang jacket na naka-lagay kanina sa lamesa ay lumabas ako ng bahay na iyon, alam ko rin naman ang bahay ni Hirro kaya hindi ko na kailangan pang mag tanong-tanongn sa kung saan at kung sino. Sumakay ako ng taxi papunta kay Hirro. Ng nakarating ay agad akong nag doorbell, mabuti nalang ay nabuksan nya ito agad. Nag dala narin ako ng mga kung ao-anong gamot na pwedeng ilagay sa kanya at ipa-inom.
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
