Jade's POV (Point of View)
Grabe hindi nakakasawa yung boses nya. Ginawa ko na ngang ringtone eh. Dalawang araw narin mula nung nag camping kaming lahat sa likuran ng bahay nya. Sa Garden.
Nung gabing yun maraming humihilik pwera sa mga katabi kong tent. Napagod yata yung iba kaya naka hilik. Ang iingay nga eh. Di rin ako naka tulog agad nun. Nakita ako ni Ken nung matapos syang kumanta.
Nag duet nga kami ng dalawang kanta eh. Bale alas'tres na rin siguro nung maka tulog ako. Sa tent nina Ken ay may umiilaw pa. Hanggang madaling araw nga yun eh, nag la-laptop siguro sila. Ewan ba, sobrang busy kasi nila araw-araw. Mas nadadagdagan pa nga.
"kuya!!" sigaw ko ng tumunog ang sasakyan nya. Nako-nako naman, aalis na pala kami.
Mabilis akong tumakbo pababa, malapit na nga akong malaglag dahil sa katarantahan. Nasa labas na ng garahe yung sasakyan nya at muang handa ng humarurot. Agad akong pumasok dun saka prenteng umupo.
"buti naman at naisipan mo pang bumaba..." seryoso nyang sabi saka nagmaneho na. Tuleg ka!
Ng makarating sa school ay agad akong bumaba. Kumaway-kaway nalang ako saka nag dire-diretso na papuntang building D.
Liliko na sana ako ng makita ang grupo si Kierra. Naka-taray ito sa akin at may hawak na sobre. Loh?
Hahakbang na sana ako para belewalain sila ng tinawag ako nito. Tsk. Loka!
"Jade Tine?" mataray nitong tanong.
"oh?"
Iniabot nya sa akin ang pink na sobre saka inisprehan nung kasama nya yung kamay nya. Eh loko pala toh eh--
"muka ba kong germs?" taray ko ring tanong. Pwe! kung mataray sya mataray rin ako noh. Ano akala nya sakin? weak? loser? tsk. Paluin ko syang duspordos eh.
"kind of? hmm... invitation nga pala yan para sa birthday ko.." marahan nyang sabi, pilit tinatago ang pagkataray. Tse.
"aano naman ako sa birthday mo? aber?"
"wag ka ng umarte, pasalamat ka nga't inimbita pa kita... I expect you to wear decent clothes, hindi yung para tambay sa kanto.." wika nya saka inirapan ako.
Umalis na sila, itinago ko naman yung imbitasyon kako sa bag ko. Saka ako dumiretso sa room. Expected kong parang zoo ang room, iba't ibang hayup---este mga kumag.
Kanya-kanyang tapon ng mga gamit, paroo't parito. Yung mga upuan namin hindi na naka ayos. Mga papel mga basura nagkalat na. Jusko po.
Tahimik akong naglakad papunta sa upuan ko. Wala pa si Lay ganon din yung iba. Pagka upo ko parang may kakaiba?. Parang ewan? May kung anong nangangamoy. Mabaho. Pamilyar na amoy.
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
