Chapter 18

994 32 2
                                        


Jade's POV


Ang higpit parin ng pagkakahawak nya hanggang sa makarating kami sa--garden? may garden din pala ang school nato? ah syempre anong aasahan ko?


"anong ginagawa natin dito?" tanong ko na pilit parin kinukuha ang braso ko na mahigpit parin nyang hinahawakan. Nakakairita na talaga sya. 


"what else did she do to you besides what I saw before?" tanong nya saka humarap sa akin. Feeling concerned, saka wala naman syang dapat paki alaman sa mga nangyayari sa buhay ko.


"hindi ba nasa taas kapa nung..." nalilito ako. 


Sobra naman yata ang bilis nya para maunahan ako? Ano sya si Flash? si sonic?


"my methods" mayabang na tonong aniya. Umirap ako.


Kakaunti lang ang estudyanteng nandidito ngayon ang iba nama'y masama na ang tingin sa akin. 


"titingin mo dyan?" nakataas ang isang kilay kong tanong dun sa babae na kung makatingin parang tinatadtad nako sa isip nya "tusukin ko mata mo dyan eh" padabog akong naupo sa kaharap naming bench saka nag cross arm. Ayaw ko na!


"I saw what she did to you earlier" tumingin sya sa katawan kong may mantsa na rin dahil sa dala nung babae na pagkain na nabuhos sa muka at damit ko. Bastos na estudyante!


"pake ko naman sa nakita mo? ulowl" syempre binulong ko lang yung mura ko. Mahirap na, ibang tao ang kaharap ko ngayon.


"Is that really your attitude?" humarap ako sa kanya dahil sa tanong nya. 


Napatulala lang naman ako ng saglit na agad ko ring binalewala saka muling yumuko, hindi naman talaga ako ganito dati kung tutuusin.


"answer me?" hindi ko parin sya pinapansin. Kausapin mo po yung bato.


Natahimik kami ng ilang minuto bago nya sya ulit nagsalita.


"sorry for the question" paumanhin nya. Ah first time ko marinig sa kanya ito ah. Himala na ba? O baka sinapian lang ng ibang espirito.


"mabuti pang bumalik nalang tayo sa room baka mamaya nandyan na si Sir A at baka mapagalitan pa tayo" tumayo ako ng hindi lumilingon sa kanya saka na naglakad paalis/


Ibinulsa ko ang isang kamay ko, isa lang naman ang bulsa sa palda ko kaya isang kamay lang duh. Pero napatigil ako ng maramdaman ang malambot at mainit na naka kabit sa braso ko. 


Hindi siguro sya naglilinis sa bahay nila panigurado kasi ang lambot at ang kinis ng kamay nya. Sanaol.


Lumingon ako sa kanya ng maramdaman ko ang higpit na nang pagkakahawak nya sa braso ko. 


Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon