Jade's POV (Point of View)
Napasimangot nalang ako ng makitang patalo na kami sa laro. Ang dadaya kasi ng mga kalaban namin eh, ang sakit sa eyes.
"ayaw ko na noh" irap ko saka tumayo, nag strech pa ako saka umupo sa upuan ko sa likuran. Naka tingin silang lahat sa akin ng naka taas ang kilay. Inirapan ko naman sila ulit.
"nakaka loko na yung laro gusto ko iba naman" naka simangot kong sabi, agad naman silang nagsitayuan saka niligpit yung monopoly. Tiningnan ko lang sila hanggang sa matapos.
"eh itong UNO?" umiling ako, kakalaro lang namin nyan kanina kanina lang eh. Itinaas ni Kyle yung isang box. Ano yun?
"truth or dare..." biglang namang nag ilaw ang mga muka ng mga mokong na yun saka mabilis na bumuo ng malaking bilog. Bumalik nalang rin ako sa upuan ko kanina sa sahig katabi sina Lay.
"okay ganto yan... kung hindi mo man magawa yung dare or yung so called truth kailangan mong kumuha sa loob ng box na ito then kung ano yung mabunot mong kulay ng susi yun ang ilalagay mo sa isa sa mga mini box" d ko nagets yung paliwanag nila. Ano raw?
"okay so, para mas madali, kung tamad kang gawi yung ibinigay sa iyo ay kumuha ng susi bale naka scramble yung colors. Yun ang gagamitin mo para ma unlock yung mga mini boxes tapos sa loob nun may mga sulat at need mong gawin talaga yun or else..." nakala thrill naman amp. "or else ikaw ang mag lilinis nito room buong room.." ang haba ng paliwanag shuta.
"grabe naman yan, wag na ngalang.... may nalalaman pa kayong box dyan eh kung yung normal nalang kaya na truth or dare ang gawin aber?" innis kong bara, nag si tanguhan naman sila bilang pag sang ayon.
"okay game.."
Inilibot na yung bote, kulay green na medyo long neck yung bote. Unang tumuro yun kay Cyril. Truth ang ginawa nya.
"sinong first love mo?" agad-agad na tanong nila. Naka abang naman kami.
"Akesha.." napa 'ohh' nalang kami. Hindi ko naman kilala yung Akesha'ng yun kaya makikisabay nalang ako.
Muling inilibot yung bote at tumuro yun kay Jerald. Truth rin sya.
"who do you prefer in section A? yung type mong girl, I guess" tanong ni Lay. Gaya ng kanina ay naka abang kami.
"uhm.. si Iya.. Iyahna Merquesa" muli kaming napa 'ohh'
Grabe naman ang tanong ng mga toh. Nakaka omai. Muling na namang inilibot yung bote at tumama kay Kyle, gaya nung nauna sa kanya ay truth rin ang pinili nito. Sumunod-sunod yung laro namin at halos truth ang mga pinili nila. Nakaka bagot amp.
Anong meron kay Dare at ayaw nilang piliin?
Finally, kaming apat nalang. Ako si Lay, si Yael at Ardie. Shoot. Kaka-kaba, pano pag sakin tumuro? nako, anong pipiliin ko? truth? dare? Kung Truth ay mukang pare-pareho yung mga tanong. Sino first love, sinong may prefer. Jusko
Kung dare naman ay uutusan ako ng mga ito. dare nalang.
"oh Lay? hahaha ikaw na.." natutuwang sabi namin ng tumuro ito sa katabi ko. Si Lay, ehehe. Ano kayang pipiliin nya ano?
"I'll choose truth by the way, I won't choose to dare, I know how your brains work guys, ang iitim ng utak nyo" irap ni Lay, napa ngiwi naman kami. Ang sama ng babaeng to.
"kung maka itim naman... bakit puti ba utak mo ha? ha?" nagsitawanan kami. "okay.. Base' sa inaakto mo nung mga nakaraan, we know na may boyfie kana so... who is it?" ngisi nina Yael, ang ganda nga naman ng tanong.
"h-huh?" namumulang si Lay. Jusko, alam ko na ang sagot hihi.
"alam mo Layala, kilala namin kung sino sya pero nga d kami sigurado kaya gusto naming malaman yung truth.." tawang-tawa kami sa sobrang ka-pulahan ng muka ni Lay. Nag mumuka syang hilaw na kamatis. Ayy mali, green kasi yung kamatid kapag-ka hilaw.
Huminga ng malalim si Lay. Breath in--breath out--choss.
"Si Ace" napa ngisi kaming lahat ng diretsa nya itong sinabi. Alams na this.
Nagpatuloy ulit kami at tumuro yun kay Ardie na pinili ang Dare. Papahirapan sana nila yung batutang yun ng nauna na akong mag salita.
"kuhaan mo kaming lahat ng tubig, bata" ngisi ko. Para d na sya mas mahirapan pa noh. Yung narining ko kanina kia Kyle, gagawin daw nilang slave si Ardie ng isang week. Abay walang hustisya yun noh.
"tch. ang dali naman" halos mapa ngiwi nalang ako. Padabog na nga syang tumayo tapos sasabihin pang madali? Kaltukan ko ang batutang eto eh.
"papalitan nalang--" agad ko ng tinulak si Ardie palabas ng room.
"Die, tanga-tanga mo. Bushet kunan mo nalang kami ng tubig sa baba ha kung ayaw mong maging slave nila ng isang week" pinanlakihan ko sya ng mata na agad naman syang lumunok ng lumunok. Nag lakad na ito.
"oh Jade!! dalian mo dyan" nagmadali akong umupo saka inayos yung palda ko na halos lumabas na matataba kong hita. Tsk.
Inikot yung bote at tumama sa akin, napa hinga ako ng malalim.
"dare.." normal kong sabi.
"HAHAHAHA" tawanan nila na ikinakunot ng noo ko. Oh no! Mukang mali ang naging desisyon ko ah. Mukang tama nga si Lay, maiitim ang utak ng mga toh. Jusme sana naman hindi kahirap-hirap ang ipapagawa nila.
"kung ganon hahaha.... nung una kang pumasok dito sa room sino pinaka na iinisan mo sa aming lahat, tapos i kiss mo sya sa labi" nangunot ang noo ko. Si Ken syempre yung kinaiinisan ko nung una palang.
"ginagago nyo naman ako ih! pag susuntukin ko kaya kayong lahat ano? ibahin nyo nga"
"tsk etong babaeng toh oh... sige, tawagan mo nalang tutal may load ka naman diba? tawagan mo ha.." tumango-tango nalang ako
Kinuha ko yung phone ko at hinanap yung pangalan ni Ken sa contact list ko.
(Kentot)
Nag dial na ako, nag ri-ring naman yun maya-maya lang ay sumagot rin. Ini-loud speaker ko yun saka inis na ipinakita sa kanila yung pangalan. Agad namag ngumisi ang mga ito.
["hello Jade? do you need anything?]
"a-ah wala.... sige ibababa ko na" akmang pipindutin ko na yun end call button ng mag salita ito.
["okay? ... i'll hang up the call, love you"]
Sa sobrang gulat ko agad kong ini-end yung tawag. Napalunok nalang ako ng masalubong ang nakaka lokong ngiti ng mga kaklase ko. Hindi ako maka paniwala sa sinabi ng shutang ken na yun! Jusko.
"a-ah.. hehehe easy lang ha, pang friends lang yung salitang yun okay?"
"ahh hahaha, parang bang? friends with benifits?" aagad syang naka tanggap ng batok sa mga kaklase namin. Pinitik ko naman yung bibig nya. Gagong Kyle toh ah.
"wala lang yun okay? ha? gets? na dulas lang yung dila nya or di kaya'y pasmado yung bibig kaya nasabi yun... wag nga kayong brown yung utak..." irap ko.
A/N: gays aymbak hahah, hindi ako nakapag ud kasi hina nung signal. Papansin kasing ulan yun. Choss. BTW, I'm planning na gumawa ng part 2? kung ocakes lang sa inyo? pansin ko kasing mahaba-haba na yung nagawa ko hahah. baka mahihirapang basahin ng iba. But i'll try okay? goodnight.
Ah wait, SHOUT OUT nga pala kay Angelo. Hahah thanks sa pa chocolate mo. Yung tobleron saka kit-kat thanks much. Alam kong binabasa mo tong story ko bro'☺🌿
Keep safe sa inyong lahat😚
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
