Chapter 83

403 12 2
                                        


Jade's POV (Point of View)


Alas'dos na ng umuwi ako sa bahay, tulog na ang lahat. Patay na rin ang mga ilaw, but nalang at may dala akong susi. In case na sarahan ako nina kuya ng pinto. Hinatid ako ni Ken, dala ko yung ibinigay nyang camera. Itinuro nya sa akin kung paano yun gamitin. Syempre tinandaan ko talaga. 


Plano ko ring itago muna kina kuya na may camera ako. Baka kasi magtanong ang mga yun at kung ano anong lalangoy sa mga utak nila. Psh.


Tahimik at dahan-dahan akong naglakad paakyat ng may mapansin ako sa kusina. Naka bukas ang lamp? Teka, baka gising pa siguro si manang?..a-ahmm.. Kinakabahan ako shuta, baka naman mumu yun? nako talaga. 


Aakyat na sana ako para bale walain ang nakita kaso bigla nalang namatay yung ilaw sa kusina--jusme! Pumatay-andar na na. Help! Nako naman. Mag a-alas tres na eh. Jusmeyo marimar na yan, wag naman sanang mumu yun.


Talagang kinakabahan ako sa bawat pagpatay at pag andar nung ilaw. Teka nga, baba nalang muna ako para i check yun. Lakas loob akong humakbang pababa papuntang kusina. Bawat hakbang ko ay ang pag-patay ng ilaw. Punyemas.


"Tine.."


ay p*ta!. Muntik nakong maihi sa takot na narinig. Jusme, nangangatog na yung mga tuhod ko. Wag kang lumingon-wag na wag. Tine! 


"Jade Tine"


SHUTAAA!! 


Muntik na akong mapasigaw ng may tumabon sa bibig ko para pigilan iyon. Dahan-dahan akong humarap at nakita ang kunot noong si kuya Ace. Jusme! Baka d si kuya toh. Baka mumu to na gumaya ng anyo ng kuya ko. Hala ka!


"m-mumu.." utal kong wika saka patakbong umakyat sa itaas. Ini-lock ko na rin yung pinto ng kwarto ko saka nahiga na. Grabe, ang bilis ng tibok ng hear beat ko. Jusme. Totoo ngang may mumu sa bahay na ito!


Bukas na bukas papa bendisyunan ko toh. Papatayin yata ako sa kaba ng multog iyon. Kung sino mang namatay dito bago kami tumira sa bahay na ito, wag nya sana akong takutin---SHUTA!!


Bigla akong napa tingin sa pinto ng kwarto ko ng may kumatok dun. Jusmeyo, tatawag talaga ako ng paranormal expert ngayon mismo!! Shet! Pakshet! Shuta! Deshuta! Punggol!! Mamiii!


Palakas ng palakas yung katok. Mamamiya, kulto ba yun?--omaiii! Pakshet Tine matulog kana.


Tinakpan ko yung tenga ko ng unan saka pinilit na matulog. ZZZZZZZZZZ.


Pasado alas otso na akong nagising kinaumagahan. Jusko, kahit sa panaginip ko may mumu. Naligo na ako't nagbihis ng uniporme. Bumaba na rin ako ng matapos sa ginawa. Naabutan ko ang kunot noo ng dalawa kong kupal na kuya. Anong meron? bakit ang aga-aga ganyan itsura nila?


Psh. Mamayang alas'nuebe pa ang simula ng klase. Ewan ko nga kung bakit ganon dati naman ay alas syete minsan alas otso ngayon ay alas' nuebe na. 


Hindi ko na pinansin ang mga itsura ng dalawa at kumain nalang. Ng matapos ay nagpaalam na akong mauuna dahil hindi talaga maganda ang ihip ng hangin sa kusina. Naglakad na ako papuntang school. May isang oras pa naman kaya maglalakad nalang ako para narin safe sa budget. 


Hindi pa ako nakaka abot ng may humintong sasakyan sa harapan ko. Bumaba yung bintana at nakita ko ang walang emosyong si kuya Ace. psh. Pa epal rin eh.


"sakay.. may paguusapan tayo" seryoso a sya ngayon. Napalunok nalang akong sumakay. Maya-maya ay nagsimula na rin itong magmaneho. Pansin ko ang bagal sa pagpapatakbo ni kuya. Siguradong improtante ang tatanungin nya.


"a-ah kuya.. ano y-yung paguusapan?" utal kong tanong ng seryosong-seryoso sya masyado. 


"san ka galing kagabi?" diretsa nyang tanong na nagpakaba sa akin.


Anong sasabihin ko?


"s-sa--"


"where?!" nagulat ako sa sigaw nito. Jusme, parang gustong tumulo ng luha ko ah. 


Hindi ko alam ang sasabihin o sasagutin. Na blanko yata ako.


"sa ano... sa.." asan nga kami pumunta? hindi ko kasi tinanong si Ken kahapon kung san yun. Ewan ko ba.


"Jade Tine... SAAN. KA. GALING. KAGABI." napakuyom ako ng kamao. Basta binabanggit ni kuya ang pangalan ko ay galit na talaga ito. pareho sila ni kuya Trev. Kung maka asta ang mga ito na para bang magulang ko.


"m-may... sa.. ewan ko!!" napasigaw na ako sa inis. Namumuo ang inis sa dibdib ko. Halata kong nagulat si kuya sa nagawa kong sigaw ganoon din naman ako. Talagang hindi ko inaasahan ang pagsigaw ko.


Binuksan ko ang pinto ng kotse pasalamat na hindi iyon naka lock. Dali-dali akong tumakbo sa kung saan. Gusto kong magpahangin. Hindi naman nalalayo yung school ngayon. Hindi muna ako papasok. 


Inilibot ko ang paningin ko at siniguradong hindi ako nasundan ni kuya. Naka kita ako ng building, siguro ay may rooftop ito.


Pumasok ako dun syempre naka suot ako ng jaket para naman d ako mahalata na hindi ako pumasok. Maraming empleyado ang pinasukan kong--hindi ko alam. Pumasok ako dun sa isang pinto na bakal, sigurado akong dito yung hagdan. Mag hahagdan nalang ako kesa sa mag elevator. Mahirap na.


Hindi naman yun kataasan na building, mga sampong palapag lang. Kaya naman. medyo nangalay nagalang ako.


Hindi naka lock ang rooftop door kaya malaya akong naka pasok. Meron bench dun kaya umupo ako. Magpapalipas nalang muna ako dito ng araw...........



A/N: hellow ebrybady. Gumawa nga pala ako ng new story. Ewan lang kung matatapos ko yun, but i'll try. Gumawa kasi ako nung dalawa pang story kahapon kasi na bored ako pero inunpub ko rin naman yun kasi hindi ko alam i u-update ko. Kaya stay nalang muna tayo sa isa/dalawang published story. Hope maka support kayo, Ehehe.


Story: Promise?

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon