Chapter 91

243 6 1
                                    

Jade's POV (Point of View)

Ang ingay pala ng mama nya. Kanina pa sya nagsasalita tapos kami tahimik lang.

"Hirro iho, kamusta na kayo ni Ken? hm?"

Nakikinig lang ako. Minsan naman ay sinasagot ko yung mga tanong nya. Ang nipis ng muka ko noh.


"were good naman po, tita Karen" ngiti ni Hirro. Matalim naman ang tingin ni Ken sa kanya. Pasimple akong ngumiwi kay Ardie.

Pinaglalaruan nya kasi iyong green peas. Tinusok-tusok nya ng tinidor. Bata nga naman. Walang'ya

"how about you, iha?" nanlaki ang mata ko ng lumipat na naman sa akin ang tingin nila. Shet.

"a-ah... hehe ayos n-naman po" kamot batok kong sabi. Napaka friendly ng mama ni Ken.

"mom I'm home" napalingon kami ng pumasok iyong--wut? Mom? Mama nya ang mama ni Ken?

Jusme. Sinasabi ko na nga ba. Mag kamukang-magkamuka sila ni Ken.

"c'mon anak, join us" naka tingin lang ako sa lalaki. Teka--ibig sabihin?? Magkapatid sila?

"hi everyone" gaya ng nanay nya napaka friendly din siguro ng isang toh. Wala akong sungit na nakikita sa muka nya. Humalik ito sa pisngi ng mommy nya tapos tumango lang sa kapatid nya.

"so... Anong ganap?" umupo ito sa tapat ko. Nagka tinginan naman kami saka ito ngumiti. Medyo nailang ako sa tamis ng ngiti nya.

"nothing... Inimbita ko lang sila for dinner" matamis na ngiting wika ng mommy nya. Si Mrs. Karen.

"alam ba to ni dad?" biglang natahimik ang hapag ng ilang segundo. Maya-maya lang ay tumikhim si mrs Karen.

"no, pake nya naman?" natawa alang sina hirro ng umirap ang mama ni Ken.

Ito na siguro ang mahaba-habang dinner na alam ko. Ang daming topic ng mama ni Ken.

"kain pa iha, feel at home.... yaya paki abot na nga dito ng dessert" tumango lang iyong maid saka may kinuha sa kung saan at may dala ng isang tray na may cake at cupcake. Meron ding macaroons.

"here, have some" naiilang na tumango ako saka kumuha ng isang cupcake.

"I bake that one hope you like it" ngiting-ngiti na sabi nito. Nagka tinginan kami ni Ken, agad naman akong nag iwas.

Ng mangalahati na ako may marinig na naman kaming bukas ng pintuan. Pumasok dun ang matipunong lalaki. Siguro nasa 30 plus na ang edad nito. Hindk masyadong magkamuka sina Ken at nung kapatid nya.

"hi honey.... may bisita ka pala?" tumingin ito sa amin. Ang sama nung tingin nya, jusme. Ang talim. Kung nakamamatay lang ang tingin, siguro kanina pako naka naka bulagta dito. Tsh.

Umupo ito sa tabi ng asawa nya. Walang umimik sa aming lahat. Tinitingnan namin bawat galaw nya. Mukang istrikto nya. Nakakatakot iyong itsura.

"so.... Is this new one?" nagulat ako ng sa akin tumingin ang papa ni Ken. Jusme.



"what new one?" yumuko nalang ako. Grabe yubg tensyon sa pagitan namin. Siguro kailangan ko ng umuwi!!

"honey, filter your mouth please'" namumukaan ko ang pagka sakrasmo sa boses ni Mrs. Karen.

"what? Haha I'm just aking if she's the new one" ang tahimik namin maliban sa mag asawa. So.... mukang magka pareho sila ng ugali ng daddy nya.

"dad stop.... Tigilan mona ang kaka pake alam kay kuya--" isang malakas na bagsak ng kamay sa lamesa ang yumaginding sa hapag. Natumba yung mapapayat na gamit sa hapag. Muntik ng matumba yung glass ng tubig, ang bigat ng kamay nya ano.

"wag kang sumali sa usapan Kean! Now! Go to your room!" padabog na umalis ang kapag ni Ken. Napa tikhim ang mommy nya kaya napunta sa kanya ang atensyon namin.

"I think kailangan mo ng iuwi si Jade, Ken anak" pilit na ngiting wika ng mommy nito. Tumayo na ako kasabay ng dalawang si Ardie at Hirro. Nanginginig si Ardie kaya medyo natawa ako na dapat hindi ko na ginawa. Shet!

"what are you laughing at, young lady?"

Namutla ako ng matalim ang tingin nya sa akin.


"w-wala po...." agad akong hinila ni Ken palabas ng bahay nila,naka sunod naman yung dalawa.


"I'm sorry.... that jerk's atittude.... sobra sobra" tumango lang ako.

"tsh, bat ka nag so-sorry? baka marinig ka nun mapagalitan kapa noh" tumango-tango lang ito saka binaba ang tingin sa akin.

"I missed you" nagulat ako ng bigla ako nitong yakapain. Aray ko naman, ang higpit jusme.

"h-hehe?"

"woah, Ken pare.... uuwi na kami" agad akong hinila ni Hirro kaya napabitaw si ken sa pagkakayakap sa akin.

Inalis ko ang tingin ko kay Ken dahil sa talim ng tingin nito sa kamay ni Hirro na naka hawak sa braso ko. Huminga nalang ako ng malalim saka sumakay sa passenger seat. Akmang bubuksan ko ang bintana ng isinara iyon ni Hirro.

Bubuksan ko sana ng isara nya naman. Putsa! Agad ko syang tiningnan ng masama. Masamang-masama. Walang'ya!


"iniinis mo ba ko Hirro?"

Nagkibit balikat lang ito saka nagsimula ng magmaneho. Bumisina pa ito bago tuluyang makalabas ng mansion nina Ken.

Ang laki nga eh, ano bang asahan ko sa word na mansyon? Tsh. Malamang malaki talaga. May fountain pa sa gitna. Ka-kalas ng tubig. Sayabg ang waterrr.

Inihatid ako ni Hirro sa bahay saka inihatid naman nya si Ardie.

Ng makarating ako sa bahay nakita ko ang dalawa kong kuya na mukang seryosong nag uusap. Tumingin ang mga ito sa akin. Bat ba ang sama-sama ng tingin ng mga tao sa akin? Tsh.

"bakit?" taas noo kong tanong. Tumayo naman si kuya Ace at may iniabot na paper bag sa akin.


"galing sa nobyo mo" nangunot ang noo ko. Ano daw?

"ha? Haha anong nobyo? Wala naman akong ganon ah" nagsisimula nakong mainis shuta naman.

"open it" talim na tinging sabi ni kuya Trev.

Sinunod ko naman iyon at binuksan. Tsh--what?? Issss? Thissss?

Inilabas ko iyon sa paper bag at nagulat ng makita ang isang--wieee pikachuuuu

"kanino galing?"

"bingi kaba o may sayad kalang? sa nobyo mo nga diba?" inirapan ko si kuya Ace. Ang sungit-sungit.

"ang ganda mong pingutin" bulong ko. Buti nalang d nya narinig yun. Tsh, lagot talaga ako.

"by the way, Tine.... sinong yung nobyo mo ha? Kindly explain?" ah nga pala. Shet!


"wala akong nobyo kuya, letse" padabog akong umakyat dala-dala syempre yung pikachu noh. Asa silang iiwan ko yun. Tsh.


Itinabi ko yun kay pikachu number one. Nag half bath ako ulit saka nag bihis ng Pikachu na terno. Psh. Meron din akong collection nun.

Nasa aparador lahat. May unan, may bag, may stuff toy, may mug pero display ko lang, may sapatos dim pero maliit na sa akin kaya idi-nisplay ko nalang. May lapis at ballpen din na pikachu ang disenyo. Oh ha, kala nyo.

Saka galing naman kay papa itong iba. Ang iba naman nabili ko sa divisorya. Yung iba regalo sa akin. Halos lahat na yata ng kamag anak ko alam na pikachu ang paborito ko.




Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon