DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT
Jade's POV (Point of View)
"alululu g*go!" rinig kong sigawan nila kaya tumayo na ako
Nag salubong ang tingin namin ni Ken kaya agad ko iyong iniwas sa kanya, lumabas na ako ng room at sumunod kina Ardie. Absent si Lay at Yael ngayon saka nalaman ko nga palang kaka break lang nila ng Pinsan ko, tuwang-tuwa nga ako eh. Tsk.
Sumabay ako sa kanila papuntang Cafeteria, umorder kami ng kung ano-ano saka bumalik sa room at kinain yun.
"Jade, free ka ba mamaya?" tumango lang ako saka nagpatuloy, tanong iyon ni Ejay
Ng matapos ang lunch time ay nag simula ng mag lesson si Sir A. Sabado na bukas kaya medyo tinatamad akong mag-aral..
"nga pala class....magkakaroon tayo ng Intramurals sa monday hope na maka join kayo for the activities" saka si Sir A lumabas dala ang makakapal nyang lesson book.
Tumayo na kaming lahat at sabay na nag ayos ng makakalat naming gamit, hindi kami nag papansinan ni Ken simula kahapon ng hapon. Ng lumabas na kami ay mabilis akong bumaba, nauna na ako sa kanila, may party daw sa bahay ng ka team ni Ejay saka inimbitahan nya ako, hindi nga ako sumangayos kesyo nga raw ay kailangan. Girlfrien pansamantala ang sinabi nya kaso umayawa ako. ayaw ko kasing maging girlfrind ng tengeng yun noh, saka kahit palabas lang ang gagawin namin ay hindi talaga ako papayag.
Nakita kong patakbong humabol sa akin si Ejay kaya mas lalo ko pang binilisan ang paghakbang palabas ng gate kaso nahabol nya ako, mahigpit ang hawak nya sa bag ko.
"hindi nga kasi ako sasama!" sabi ko saka pilit na hinihila yung bag kong mahigpit nyang hawak
Nakita ko syang nag pout pero wah epek yun!
"j-jade naman....birthday ng ka team ko yun eh" tumango-tango lang ako kaya agad nyang binitawan yung bag ko saka lumundag-lundag na parang bata.
"sa marami kong kondisyon!" sabi ko na ikinatigil ng kasiyahan nya "una, hindi mo ako gilfriend kaya hindi mo ako maaaring ipakilala sa kanila as nobya mo! pangalawa, kailangan ay mabilis lang ako doon at ayaw kong pinipilit ako, pangatlo!, hindi ako umiinom ng mga kung ano-anong alak kaya wag mo akong pilitin o ano man!"
Umiinom naman ako ng alak kaso nga lang hindi ko gusto ang lasa, ang sakit kaya sa lalamunan noh. Tumigil na rin ako!
"andami, lintek" binatukan ko sya
"tanga! tatlo lang yun" sabi ko saka tumalikod na sa kanya saka pumara ng taxi pauwi. Ti-next ko nalang sya na sunduin nya ako sa bahay, wala syang kotse kaya mag co-comute kami mamaya.
Eksaktong pagkarating ko sa bahay ay wala namna si kuya Trev, wala naman problema sa akin yun. Kung wala sya sa bahay pag-gising ko ay may naka abang namang allowance sa tabi ng kama ko.
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...