Her POV
"Good Morning" bati sa amin ni Sir A.
Ibinaba nya ang mga papel na dala nya at saka isa-isa itong tiningnan, tumaas ang kilay nya ng kunin nya ang isa sa mga papel.
May kung anong pagkumpirmang ginawa si sir A sa papel na hawak nya, diretso lang ang tingin ko sa kanya at nung magtama ang mata naming ay nagtaas uli sya ng kilay. Atittude ka sir?
"Mendoza" tawag nya sa akin.
"sir?"
Aba sino pa bang ibang Mendoza sa section na ito? May iba pa ba?
"kakausapin kita" sumunod naman ako sa kanya palabas ng room ng tahimik.
Ano na naman kaya ang paguusapan namin ni sir?
"ano po yun sir A?"
"kano-ano mo yung Mendoza sa section A?"
Section A? Si kuya Ace? Huh? At bakit?
"si ano po?"
"wala ng ibang Mendoza sa paaralang ito, kundi kayong dalawa lang"
Impossible!, sa laki ng paaralan na ito kami lang dalawa ni kuya ang Mendoza? Ay weh?
"so, kaano-ano mo sya?"
"hehe kapatid ko sir" shuta!
"kuya mo rin si Trevor?" tumango-tango nalang ako "gusto mo bang lumipat kasama kuya mo?"
Lipat? At saan naman? Ng school? Kakalipat ko lang nung nakaraan, lilipat naman ako ulit-
"saan po?"
"sa section A"
Makakasama ko na si kuya, yey!
"pag iisipan ko pa, po" tinapik ni sir ang balikat ko at iniwan na ako.
Pumasok na rin ako sa room, nakatingin ang lahat sa akin maliban kay Ken na palaging naka seryoso, akala mo naman bumagay--bagay nga. Hambalusin kita dyan eh! Nakakairita yung muka nya ah. Natatae ako sa mukha nya.
"Jade, fill out this form for your transfer"
Nakabantay ang mga mata nila sa akin kung kukunin ko ba yun o hindi, pero syempre ako ang masusunod ayaw ko na rin' makipag away kay Ken. Nagiging kinder ako.
"sige sir"
Bumalik na ako sa pagkakaupo, bumulong naman si Lay sa akin.
"psst...ano yang papel?"
Tumingin ako sa kanya.
"yun?... about sa paglipat ko sa section A" nakangiti kong sabi.
Nawala ang malapad na ngiti ni Lay, dahil ba sa sinabi ko? anong mali dun? lilipat lang naman ako sa section A
"kailan naman?" malungkot na tanong nya.
"pag napirmahan ko na lahat ng ito" tinuro ko ang ilang papel. Ang dami, lilipat lang naman ako ng kabilang section pero nagmumukha akong magpapa gawa ng passport.

BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...