Jade's POV (Point of View)
"happy?" naiinis na tanong ko sa kanila matapos namang gumawa ng kwento tungkol sa amin ni Ken
"di...sobrang HAPPY!!" nagsigawan at nagtayuan ang mga kumag, kala mo naman sila lang tao sa school. Sobrang tahimik na kasi sa labas kasi naman class hours na. Mga buwang!
"tang*na! tigilan nyo nga kaka-sigaw, putulin ko dila nyo eh" bulyaw ko sa kanila
Lumingon ako kay Lay, bigla kasi syang tumayo hawak ang cp nya na nakalagay sa tenga nya habang mabilis na naglakad palabas ng walang lingunan. Ganito na sya buong dalawang bwan, hindi na nga namin sya medyo nakakausap dahil palagi syang tutok sa cp nya, sina Ken at Kai kasama si Zyre ay ganoon din ang pinagkaka-bisihan. Madalang nalang rin kung magusap kaming dalawa, mabuti na nga lang dahil andito sina Ardie.
"labas na muna ako" hindi ko na sila pinansin saka nagmadali akong lumabas ng walang lingunan, madalang kaming mag-usap dahil minsan ay nagiinit ang ulo ko pag nagkikita kami ng walang dahilan. Ewan ko ba kung bakit, nagsimula lang rin ito nung makita ko sila ni Kierrang malantod na naguusap sa sulok
Tsk. Punyeta! bat ko ba sya iniisip! Naloloka lang ako lalo.
Dumiretso ako sa rooftop dala yung cp ko, nag pa music rin ako, malapit na lunch tas wala din si Sir A dahil may inaasikaso raw.
"Hi, Jade" lumingon ako sa likuran ko ng marinig ang boses ni Kane, minsan ay nagkikita kami dito ni Kane, sya na nga minsan kasama kong kumanta, syempre kapal talaga ng pays ko, wamport lang...
"ang boring dun sa room namin kaya pumunta ako dito" putol ko sa sasabihin nya, alam ko na kasi yan, memorize ko na nga eh.
'bat ka andito?'
Lintek na tanong yan....
"gusto kong gumala" wika ko na agad nyang ikinangiti ng malapad.
"game" tinaas-taas nya pa ang dalawa nyang braso sa ibabaw "have you tried to ditch the class?" tumango ako, naalala ko tuloy sa dati kong school, lagi kasi akong nag d-ditch sa klase
Kasi naman, nag hahamon ng away yung mga senior. Ang yayabang pa nga talo naman.
"araw-araw akong nag ha-half class dahil sa mga hamon ng senior sa amin" ngumiti pa ako
"seniors?" tumango lang ako
---------------------
"tara na!" hinila nya na ako palabas ng school, may ibang umuuwi kaya sumabay kami sa mga yun, sumakay ako sa mamahaling sasakyan nya saka sya nagmaneho sa kung saan. Gagala nga kasi diba?
Nakarating kami sa sa kung saan, hindi ko naman alam kung saan ito kaya tinanong ko sya.
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Подростковая литератураEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
