Chapter 56

403 10 3
                                    



Jade's POV (Point of View)


Nakarinig ako ng mga yabag ng paa kaya nagising ako, laking gulat ko ng sa pagmulat ko ng mata ay ramdam kong naka upo ako at may takip sa bibig, gaoon din ang buo kong muka. Sinubukan kong igalaw ang paa at kamay ko pero mahigpit ang pagkakatali sa mga ito. Madilim ang paningin ko at wala akong Makita kundi kulay itim.


"oh, gising na pala ang mutya" tinaggal nito ang tabing ko sa buong muka, medyo Malabo nung una pero nagging malinaw naman kanlaunan


Nakita ko ang apat na may tabing sa muka, sa tantya ko ay lalaki ang mga ito. Sigurado akong naka ngisi ang lahat sa akin.


"gulat ka ba?" Nakita kong tinaggal nila isa-isa ang kanilang mga takip sa muka kaya doon ko lang napagtantong, yung lalaking nag fe-feeling close sa akin ay nandidito. Nangunot ang noo ko ng lumapit naman ang isa sa akin sabay haplos sa muka ko kaya nanindig ang mga balahibo ko


"wag kang mag alala, hindi ko muna gagawin ito" ngumisi oto bago tumayo, nagbulungan pa silang apat at nagtanguhan bago muling bumaling sa akin saka muling ngumisi.


Nangingilabot pa rin ako mula ng maka-alis ang mga ito. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, kung kwarto man ito. May nakita akong isang malaking salamin sa gilid-gilidan ng kwarto, isang bumbilya lang ang nakikitang kong ilaw sa paligid, may roon naman ibang ilaw pero hindi siguro iyon gumagana.


Unti-unti kong sinusubukang tanggalin ang tali sa kamay ko at nagtagumpay naman iyon. Inis-strech ko ang mga daliri ko sa kamay bago sinubukan ang sa paa ko, masyadong masikip iyon kaya hindi ko natanggal sa madaling salita ay nabigo ako. Gumapang ako palapit dun sa salamin, mahirap yung ginawa ko dahil sa sandaling gumalaw ako ay kumikirot ang mga kalamnan ko sa buong katawan. 


Dahan-dahan lang ang galaw ko hanggang sa maka abot ako sa tabi ng salamin. Kuniyom ko ang kamao ko at agad iyong binasag, hindi masyado iyon gumawa ng ingay. Naghanap ako ng matalas na bubog at yun ang ginamit para putulin ang medyo may kakapalang tali, matagal ang ginawa kong iyon, medyo nasugatan ang palad ko at medyo dumaloy ang mga dugo, binalewala ko lang naman iyon


Dahan-dahan akong tumayo, medyo ninis ako ng kunti kasi nag cramps ang kalamnan ko dahil siguro sa matagalang posisyon ng katawan ko, ang mga paa ko't kamay.


Nakarinig ako ng mga ingay palayo kaya sumilip ako sa pinto, hindi naman iyon naka lock, dahan-dahang pihit ang ginawa ko para maka-silip kahit kaunting siwang lang. Wala halos laman dahil nga madilim. Malayo sa pwesto ko ang mga ilas, pansin kong patay sindi ang mga ito. Dahan-dahan akong lumabas sa pagkaaksilip, sa tingin ko ay nakidnap ako, psh.


"oi oi oi, san ka pupunta mutya?" nangunot ang noo ko ng may tumutok sa tagiliran ko na kutsilyo, malamang ay maliit lang iyon, siguro ay kakayanin kong manlaban


Iniharap nya ako sa kanya at nakita ang hindi pamilyar na lalaki, hindi kasi sya isa sa apat na pumasok kanina. May katangkaran sya, hanggang dibdib nya ako. Umirap ako sa kanya saka nagisip kung kakayanin ko ba talaga.


Hindi kasi ganoon ang mga natatalo ko dati sa dati kong school, ako ang malaki sa kanila. Kaya nga palaging talo sila eh.


"hindi mutya ang pangalan ko" wika ko sa kanya habang dahan-dahang itina-taas ang braso ko para mahawakan ito sa kamay kung saan nya banda hawak ang kutsilyo. Kukunin ko na sana ito ng may isa pa akong naramdaman na kutsilyo, hindi na ito sa tagiliran ko kundi sa mismo kong leeg. Malamig iyon at para akong tinatawag na ni kamatayan, ako na raw siguro ang magiging tagapagmana ng kaharian nya, tsk.


"alam namin iyon, atsaka. Mas gusto naming tawagin kang mutya..." humalakhak ang dalawa, hindi na ako nagdalawang isip pa dahil agad kong hinablot ang kutsil, nahiwa ang palad ko pero maliit lang naman iyon at malayo sa bituka


Nagkakagulo na kaming tatlo, iwas ang mga ginagawa ko habang sila ay wina-wasiwas ang kutsilyo sa dreksyon ko, agad kong itinaas ang paa ko para sana sipain yung isa kaso may naka hawak sa braso ko kasabay ay pinaharap ako sa kanya sunod ko nalang naramdaman ay naka higa na ako sa sahig at masakit ang bandang tiyan. Namimilipit ako dahil dun, ginawa nila iyong tyansya para mahuli ako. Nag-pumiglas ako pero wala iyong talab sa dalawa.


Pinatayo nila ako at binuhat nung isa, aangat na nya sana ako sa ere ng naka kuha ako ng kaunting pwersa para hatakin ang buhok nya, mabilis ako nitong nabitawan. Tatayo na sana ako ng maramdaman ang kamao ng isa sa likuran ko, sinuntok ako nito sa likod. Muli akong napahiga sa maputik na sahig. Nagmuka tuloy akong biik na marami ng pasa. 


"wag ka ng manlaban mutya, hindi mo kami makakaya isa pa babae ka at lalaki kami, mas malakas kami kesa sa mga babaeng gaya mo" nangunot ang noo ko sa sinabi nito, 


"gagu ka ba? hindi lahat ng babae ay mahina gaya ko sadyang yun lang ang nakikita nyo sa amin" sinuntok ko ang muka nito, inilapit kasi nito ang madngis nyang muka sa akin ng matumba ako sa putik. Tuloy ay dumugo ang ilong nya.


"abay gago ka pala eh!" suuntok ito at maswrteng nailagan ko, ng iilag na sana ako ng may tumusok sa likuran kong bahagi ng isang matalim at matigas na bagay, nakaramdam ako ng kaunting hapdi pero hindi ko iyon ininda


Humarap ako sa kung sino ang may gawa, nagulat ako sa nangyari dahil namumukaan ko ito kahit naka tabing ang kanyang buong muka.... p-papaano nya ginawa sa akin ang bagay na ito?


Natumba ako, ramdam ang pamamanhid sa buong katawan. Kahit maliit ang kutsilyong nakatarak sa akin, malaki parin ang damage nito a katawan ko. Ginawa ako nitong mahina...



Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon