Chapter 65

484 13 1
                                        


Jade's POV (Point of View)


"TINE!!" malakas na sigaw mula sa pinto, umaligaw-ngaw iyon sa buong kwarto. Natigil yung tangka kong sasabihin kay Ken. 


Nakakunot ang noong hinila ako ni kuya Ace palayo sa kanya, Mhigpit na mahigpit ang hawak nito sa braso ko kaya nakakaramdam ako ng kirot.


Humarap si kuya kay Ken. Walang alinlangan nitong sinuntok ang lalaki. Agad na kaming umawat sa mga ito pero ni isa sa amin ay walang lakas na gawin yun, maski ako. Sunod-sunod na suntok ang ginawa ni kuya kay Ken.


"you b*strd!" sigaw ni kuya, walang alinlangang sinuntok sya ni Ken kaya agad itong natumba. Nagsimula na uli akong umawat sa mga ito. Mabuti nalang at dumating si Hirro na naki-awat narin.


"hoi, hoi, hoi... tama na punyeta!" bulyaw ko sa mga ito. Masamang tingin ang natanggap ko kay kuya samantalang kay Ken ay wala itong k rea-reaksyon. Para bang walang may suntukan na nangyari.


"ano yung problema kuya? bat bigla-bigla ka nalang sumusugod ha?" panenermon ko kay kuya. Epal rin kasi.


Galit na tumingin si kuya kay Ken. 


"diba sabi ko sayo, wag ang kapatid ko?.... ANO??" malakas na sigaw ni kuya na nakapatayo sa mga tumba kong balahibo. Lagot na, ano ba kasi yung nangyayari? anong yung sinabi ni kuya? sinabi nya kay ken? ano yun?


"I told you, Ace. I will not hurt your sister. All I ask is your' permission to court her...." mahinahong sabi ni Ken. Susugod na sana si kuya ng muli syang mahatak ni Hirro. Buti nalang.


"f*ck you!!... alam ko ang ugali mo Del Ferrer... wag ang kapatid ko" muling sigaw ni kuya.


Galit na galit sya ngayon. Nainitindihan ko na ang pesteng topic nila. Yun lang? 


"agbago ako, Ace. Lahat nagbabago" bumuntong hininga si Ken bago muling nagsalita "I'll do everything to be able to ask for your permission to court your sister.... " wika nito saka tumingin sa akin bago lumabas ng kwartong iyon. Ng room.


Hinawakan ako ni kuya sa braso, ulit. 


"all of you.. leave" matigas nyang sabi sa lahat, agad naman itong sinunod ng mga kaklase ko. Malungkot ang tingin nila sa akin bago lumabas, kasama na rin si Hirro.


"kuya..." pagtatawag ko


Minasahe nito ang sentido saka tumingin sa akin, pagmamakaawang tingin. Loko, ano ba kasi yun?


"Wag sya...." lumapit ito sa akin saka niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko rin si kuya ng panandalian bago ako nito iwan mag-isa.


Madilim... para bang mahirap hanapin yung liwanag na dapat. Ano yung sinasabi ni kuya? anong 'wag sya?'


--


"Jade"


"Jade"


"hoy!" nagulantang ako sa sigaw ni Lay sa akin. Kaharap ko silang lahat maliban kina Ken, Zyrie, at Kai. Hindi ko rin naman kasama ang lahat, wala yung iba. Bale mga chismoso lang ang kasama ko ngayon.


"so... ano nga? anong pinag-usapan nyo ni Ace?" si Lay. Kaloka, mga kaklase ko mga chismoso't chismosa


"a-ahh.. w-wala yun..." ngumiti lang ako saka idinukdok ang ulo ko sa lamesa. Gusto kong matulog. 


--


"una na ko ha" paalam ko sa kanila, hindi ko nakita si Ken mula kaninang umaga. Wala, ni anino nya, wala.


Hindi na muna ako sasabay kay kuya, gusto kong mag commute gaya ng dati. Pumara ako ng taxi, sasakay na sana ako ng may humila sa akin palayo dun. 


"pwede ba tayong mag-usap?" boses iyon ni Ken. Himala't nag tutuloy na minsan ang pagtatagalog nya. Isa yung himala. Esh.


"p-pwede naman... pero para san?" 


Itinuro nya ang itim na sasakyan. 


"Papasok ako dyan?" takang taong ko, tumango lang sya saka nauna ng sumakay. Sumunod nalang rin ako.


--


Nag simula syang magmaneho hanggang sa maka-abot kami sa isang lugar na talagang maganda yung view, lugar na makakapag relax ka ng ayos. Yung lugar na uubos ng stress mo.


"what happened earlier was..." tumigil sya saka huminga ng malalim "I'm sorry... gusto kita Jade and I won't deny it...." tutulong luha nyang saad. Hanuraw?


"wala namang masama sa pag-kakagusto..." sabi ko saka tumingin sa magandang araw na palubog, hindi pa naman talagang sunset.


"y-yeah?... I won't stop until I regain Ace's trust in me, again" bumuntong hininga nalang ako.


Naalala ko yung ikinwento sa akin ni Hirro tungkol sa kanilang apat. Gusto ko uli marinig yung kwento nila. Matanong nga tong katabi ko. Humarap ako kay Ken...


"pwede bang i-kwento mo yung nakaraan nyong apat?" tanong ko, na para bang hindi alam yung ikinuwento sa akin ni Hirro.


Nag-salubong yung kilay nya saka bumuntong hinga. 


"I ... I can't.... hindi ko na gustong maalala pa ang mga yun" ngumiti lang ako saka tumango-tango. Failed amp.


"ayos lang... saka..." sasabihin ko ba na alam ko na? jusmeyo... wag nalang baka mas lalo pa silang mag-ka-galit nina Hirro.


"saka?"


"a-ahh,, hehe Wala"


Nagusap pa kami nun, sabi ko nga masyado pa syang speed sa panliligaw sa akin. Hindi naman sa nireject ko sya, pero parang ganon na nga, choss. Ay basta, hindi ko tinanggap yung panliligaw nya, hindi ko rin naman sya ni reject......

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon