Chapter 95

360 10 4
                                        

SELENE WHO?

JADE'S POV (Point of View)

Nagulat ako ng magkagulo ng mga kaklase ko sa labas kaya lumabas narin ako para makiusyuso.


Nakita ko yung sinasabi nilang Selene kanina. Andito sya sa room namin, at anong ginagawa nya dito? tsh.





"nakabalik kana pala" rinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko. Hindi ako nagpakita, nagtago ako sa maliit na sulok. Makikinig muna ako noh.



"yes yes.... actually I'm so surprise cause ang daming nagbago like you guys" ri ko ang mala anghel.nyang tawa na medyo may pagka lagkit.



"Seleneeee" rinig ko na naman ang matinis na boses ni Lay. Mukang nagyakap sila. Kaklase rin ba namin yun? Mukang close sila ng mga kaklase ko ah.




Nangangamoy amag ako mga teh.





"Layala you look gorgeous as ever... tumangkad ka ah" umirap ako sa kawalan habang nakiki chismis.




Ng marinig ang mga usapan nila. Bumalik na ako dun sa kabilang room. Manonood nalang ako ulit, wala nakong planong magpa good shot kay 'selene' kamo.



May chichirya pang natira sa drawer, yun nalang ang kinain ko. Maya-maya lang narinig kong bumukas ang pinto hindi ko na pinansin dahil tutok na tutok ako sa pinapanood kong movie. Cartoons obkurs.



"how's your day?" boses palang kilala kona. Hindi ko sya pinansin. Nginantngat ko yung chips.



Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko kaya medyo umusog ako palayo. Medyo na bad mood ako ng konte. Ewan ko kung anong reason. Malapit ng matapos yung movie ng marinig ko na naman syang magsalita.



"do you know selene?" hindi ko na naman sya pinansin. Na badtrip nako sa pangalang Selene. Ang pangit na pakinggan.




Napalingon kami ng sabay ng bumukas ng malapad ang pinto. Iniluwa nun ang mga kaklase kong ngiting-ngiti. Nakita ko si Selene na naka sandal sa pinto habang naka tingin sa amin.



Tusukin ko mata nya eh. Tsh. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa pinapanood pero tapos na pala. Naka patay narin. Bwiset.




"hi Ken" palihim akong umirap ng makitang lumapit sa kanya si Selene lalandiin nya ba si Ken??



"Hi Selene... how's US?" muli na naman akong umirap dahil sa nasksihan ng mata ko. Ano ba yan! Ang PDA ampota.


"It was good.... but not really as good as here tho. I missed you" hinalikan ni Selene ang pisngi ni Ken. Nangigil ako peste.




Kinuyom ko ang kamao ko. Sa isip ko sinasakal ko na ang Selene na ito.




Lumipat ang tingin nung babae sa akin. Binabawi ko ng mabait sya!. Ang sama susme.



"so... you must be Jade? I love the name...." lumapit sya sa akin saka yumakap. Pa close rin naman eh. "I'm Selene Cervantes... Ken's girlfriend" nagulat ako sa huli nyang sinabi. Halos hindi ako kumisap.



Girlfriend? Ni Ken? At anong kalokohan ito?


"Selene" rinig ko ang inis at diin sa boses ni Ken. Halos mamanhid ang tuhod ko. Teka lang naman.



"what? Haha I'm just telling her--" hindi ko na sya pinatapos.



"a-ay teka ha... may nakalimutan yata ako sa kabilang room" pagpapalusot ko. Gusto kong pumunta sa roof top. Magpapahangin muna yung namamanhid kong muka.





Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon