Chapter 9

1.2K 37 1
                                        



Her POV


Inis na idinilat ko ang mga mata ko dahil sa mga paulit-ulit na ingay. Tanging maliwanag na ilaw ang nakikita ko, inilinga ko ang ulo ko para hanapin ang mga maiingay na bubuyog na iyon. Napatigil naman ako dahil kumirot ang pisngi ko.


"aray ko.."


"Jade? thank god your awake" agad na lumapit si Lay sa akin. Pinagtitinginan naman ako ng mga kaklase namin. 


"anong ginagawa nyo dito?!" agad na uminit ang ulo ko. Masama ko silang tiningnan. Kita ko naman ang pagka-lito sa mga itsura nila. 


"ang sakit ng katawan ko grabe! ano ba kasing nangyari sa akin?" kunot ang noo kong tinanong iyon. Aba, malay ko ba kung ano. 


"huh? hindi mo alam ang nangyari sayo?" takang-takang tanong naman ni Yael palapit sa amin na nandidito rin pala. 


Dinahan-dahan kong nililinga ang ulo ko para makita ang palibot, diretso ang tingin sa akin ng lahat. Bakit kung dito ay kumpleto kami--ay teka may kulang. Ang papansin na iyon ay wala dito. Mabuti naman.


"hindi, kaya nga ako nagtanong kung anong nangyari sa katawan ko" umirap ako at dahan-dahang bumangon. Nakita ko ang puting maliit na hose na naka direkta sa kamay ko, hinila ko naman iyon. Hindi masakit dahil sobrang sakit. Pero hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at umalis na sa harapan nilang lahat.


"Jade! bakit mo inalis?!" lumapit si Lay sa akin at inalalayan ako. Agad naman akong umiwas, masakit ang pisngi ko. Hindi ko rin maibuka ng maayos. 


Naaalala ko na! Ang pahamak na building na iyon!. Infirmary na siguro ako ngayon. 


"gusto ko ng umuwi" sabi ko at hindi na sila pinansin. Kahit nananakit at nanlalata ako pinilit kong maglakad palabas ng infirmary na iyon. Dumiretso ako sa room at iniligpit ang mga gamit ko, ng matapos ay akmang lalabas ako ng marinig ko na naman ang boses nya. 


Tsk. Mangugulo na naman.


"where are you going?" seryoso pero may halong pag-aalala nyang tanong. Bakit naman sya mag-aalala sa akin? Tsk. Plastik.


"uuwi ako at ayoko ng gulo, please lang huwag ngayon" mahinahon kong sabi at lumabas na bitbit ang bag ko.


"why didn't you stay in the infirmary?" 


Hindi ko sya pinansin at dire-diretso lang ang lakad ko. 


"your not yet okay!" 


Sumunod pa talaga. Tsk. Bahala kang ngumawa dyan, gusto ko ng umuwi. Bahala na ang grades ko. Basta gusto ko ng umuwi, period.

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon