HER POV
"Jade, nakapag review kaba?" lumapit sa akin si Lay saka umupo sa tabi ko, agad naman akong umiling sa tanong nya.
Ni word na mga na lecture ni Sir A ay hindi ko na maalala.Saka na paka busy ko kagabi matapos akong umuwi galing sa paghatid ko kay Kane mula sa school hanggang sa condo pabalik ng bahay naming, tsh.
Umuwi sina Tita from abroad madami syang pasalubong na puro rin naman dress saka chocolates na may kasamang branded na perfume yung mga yun ay hinati-hati nya sa aming tatlo nagtaka pa nga sya kung bakit wala raw si kuya Ace, sabi nalang ni kuya ay gustong magsolo sa buhay.
Kunwari totoo yun. Gusto nya lang talaga umiwas sa kagandahan ko eh.
Nasa abroad rin si Papa eh si Mama ay hindi ko alam, magkapatid si Papa at si Tita Trie, bale tatlo silang magkakapatid si Papa ang panganay at bunso naman si Tita Trie yung sa gitna naman ay si Tito Trey, oh dibe puro T at 3 ang pagkakapronounce.
Tatlo sila, tatlo din kami. Lahi-lahi ba?
"hindi ko rin naman maiintindihan yung mga inaralan natin" ngumuso ako saka kinuha ang cellphone kong lowbat na naman "tatapon ko lang to" tumango nalang naman sya pero hindi nya kita kung ano yung hawak ko dahil tulala lang din sya.
Lalim siguro talaga ng iniisip nya, lumabas ako ng room saka naglakad-lakad para maghanap ng basurahan kahit kasi isang sako man lang sa loob at labas ng room ay puno na kaya napagdesisiyunan ko nalang na maghanap ng ibang matatapunan ng llintek kung cellphone.
Medyo matagal na kasi ito saka Vivo yung brand, ilang taon ko na tong gamit at ngayon lang natanggalan ng tornilyo at ngayon lang din nagka abnormal. Napaka walang kwenta, jusme!
Kinuha ko na din yung importante kong pics at numbers nilagay ko yung mga yun sa Nokia kong cellphone, matagal na din kasi yun' hindi nabubuksan at hindi ginagamit at baka masira lang, actually regalo sakin yun ni Kuya Trev nung pinrank nila ako kasama si kuya Jace.
Matagal ng nakatago yung box ng cp kaya naisipan kong yun nalang ang gamitin kesa sa walang kwenta kong cellphone na Vivo pa naman ang brand. Pero lumang-luma narin kasi, matanda na.
Nakarating ako dito si dulo ng building may nakita rin akong room na bukas kaya napagdiskitahan kong pasukin yun, may narinig ako na parang umiiyak kaya similip pa ako,
multo bay yun? MUMU!
Imposible rin namang multo yun no kung ganto kaaga, sumilip pa' ko lalo at Nakita ko ang classmate kong--ewan ko nakalimutan ko yung pangalan.
Aalis na sana ako para naman makapag private sya sa loob pero narinig ko itong nagsalita.
"bakit ba kasi ganito ang buhay ko!!" parang inis nyang sabi saka muling umiyak kaya wala akong choice kundi making pa. Hehe, makiki-chismis ang nanay nyo.
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
