Jade's POV (Point of View)
Nakakatakot na, pakiramdam ko mamamatay ako ngayon-ngayon mismo. Sobrang hina ang nararamdaman ko, hindi man lang ako maka-kita ng sinag ng araw o maka langhap ng sariwang hagin, siguro ay dalawa o tatlong araw na ako nadidito, nakatali.
Masakit ang katawan, kulang sa tubig, nanghihina dahil sa gutom. Isang beses lang nila ako hinatidan ng pagkain at tubig. Kaunti lang rin ang mga iyon, hindi aabot sa dalawang sandok ng kanina at hindi aabot sa kalahati ang isang baso ng tubig na ibinibigay nila.
Hindi ko alam kung bakit ako nandidito ngayon, wala akong alam na kaaway ko o kung ano o sinong may galit sa akin.
"pag hindi ka pinuntahan ng mga gagong yun ngayon, katapusan mo na...." humalakhak ito, nakaka-kilabot kung tutuusin, parang sarap sapakin eh kaso wala akong lakas para gawin iyon
"amfutek, kung ano mang kasalanan ko sa ino. Kukutungan ko kayo tapos puputulin ko yang mga future nyo!" bulyaw ko kahit nanghihina, isang suntok at sipa sa tyan ang natanggap ko....
'Wala na bang pag-asa??'
Letse, kung sino mang pakana nito talagang gagawin ko ang sinabi ko... Puputulan ko sya ng future nya..
-
Ardie's POV (Point of View)
Galit na galit si Ken ngayon, nandito kasi kami ngayon sa bahay nya..
"is the information he gave really true?!" galit na tanong ni Ken
Umiigting ang panga nya sa galit. Ni hindi namin sya mapa-kalma ng ayos sa dalawang araw, hanap ng hanap kami sa mga impormasyong naibigay. Nung nakaraang araw pa nawawala si Jade, hinanap namin sya, nagtanong-tanong narin kami at iisa lang ang sinasabi nila.
'mga naka kulay itim ang kumuha sa kanya'
Iisa lang talaga, wala na kaming ibang alam kundi isang gurpo lang. Alam ito ni Ace, ang kuya ni Jade. Pareho silang dalawa este apat, Si Ken na umiigting ang panga, si Hirro na hindi maka-upo, si Ace na naka-hawak lang palagi sa cp nya dahil sa kanya lang nagbibigay ng impormasyon, at huli ay si Yael na palaging naka-tulala pero nagliliyab ang mata.
"I'll kill that f*cking asshole!!" nagulantang kami sa sigaw ni Ken
"easy lang bro, may naibigay na silang impormasyon at yun nalang kailangan nating panghawakan" wika ni Kai at Zyrie...
Naka-kunot parin ang noong binasa nila iyon, nakibasa rin naman ako pero hindi ako nakisali kay Ken dahil siguradong magbubuga iyon ng apoy kapag nagkataon, iba pa naman sya magalit.
Agad naglakad palabas si Ken ng walang pasabi, sumunod naman kami sa kanya, hindi lahat ng D's ang nandidito, hindi nga rin dapat ako nandito dahil dapat ay nasa klase kami ngayon. Hindi alam ni Sir A ang nangyayari ngayon kasi naman hindi nila pinaalam. Alam na namin ang nasa likod ng gumawa niyon kay Jade, sigurado akong hindi sila masisikatan ng araw dahil sa ginawa nila....
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Fiksyen RemajaEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
