KABANATA 28

206 4 1
                                    

Kabanata 28

Like

--

I was reading Irene's text to me in the car when Elise spoke. Natigil ako sa pagbabasa hindi dahil sa pagsasalita nya, kundi dahil sa sinabi nya.

"Tita Teressa says they know the Lavarias, right? Ang galing naman pala. It means their family and our family are close..." she said.

Hindi agad ako nakasagot. Pinilit kong ngumiti at tumango nang makabawi.

"Yeah. Pero... hindi naman daw sila ganon kalapit sa mga Lavarias."

"Pero magkakilala pa rin, right? May chance na magkalapit tayo," ngumiti sya na para bang may nakakakilig.

Hindi ako naging komportable. I know she just wants to be friends with Anton but why do I feel like...

"Matagal mo na ba syang kakilala? Si... Anton?" She asked.

Tumingin ako sa kanya. Marahan akong tumango. "Oo. Uh... pasukan?"

"Oh? Agad agad mo syang nakilala? Magkaklase ba kayo? Magka edad lang ba kami?" Sunod sunod nyang tanong.

"Uh... hindi. College na sya. First year college. Nagkakilala lang kami dahil... nalaglag ang ballpen nya at binigay ko..."

"Oh..." tumango sya at ngumiti sa kawalan. "Ayos na rin pala. Isang taon lang naman..."

"Huh?" Taka at medyo gulat kong tanong.

Tumingin sya sa akin at agad na umiling. "W-Wala! Uh... g-gusto ko rin syang maging kaibigan..." namula ang pisngi nya.

I nodded slowly. I stared at her for a moment before looking back at my phone. Irene continues to text me. Pero hindi ko na magawa pang basahin yon dahil sa mga sinasabi ni Elise. I have a strange feeling and I don't like that.

Anton texted me but I can't reply. Para akong lumulutang. But in the end, I just ignored it and thought that Elise just really wanted to be friends with him. Malayo sya kay Anton kaya siguro marami syang tanong. Hindi nya kasi makakasama palagi.

Bumabagal ang lakad ko nang makita na naman si Elise sa sala. She seems to be waiting for me again. I realized she was really waiting for me when she immediately stood up when she saw me. Mabilis syang ngumiti. I noticed she's dressed and looked like she's leaving. She's  wearing pink off shoulder, skirt and white shoes. She has a shoulder bag on her left shoulder. Mukhang nag ayos rin sya dahil nakitaan ko ng kaunting make up ang mukha nya.

"Victoria! Uh..." mukhang nahihiya sya.

"Mmm? Bakit?" Ngumiti ako kahit may kakaiba na talagang nararamdaman.

"Pwede bang sumama sa... coffee shop na pinagtatrabahuhan mo?"

Natigil ako. Hindi agad ako nakapag salita. She smiled shyly at me and waited for my answer.

"H-Ha? Bakit ka naman sasama?" Napatanong ako.

"Uhm... nalaman ko kasi na... pag aari daw ng mga Lavarias yung coffee shop at... palaging nandoon si Anton?"

Tuluyan na akong natigilan. Kaba at sakit ang unti unti kong nararamdaman dahil parang alam ko na kung bakit sya kumikilos ng ganito. But even so, I still smiled and nodded slowly.

"Ah, oo. Sa kanila yon. Paano mo... nalaman?"

Pumula ang pisngi nya. "Nagtanong ako sa mga kaklase ko. Kilala nila halos lahat si Anton. At doon... nasabi nila sa akin na ganon nga..."

Lumunok ako at tumango pagkatapos ay ngumiti. Pilit kong kinunot ang noo ko at tumingin sa kanya.

"Bakit... parang interesado ka kay Anton? Kanina ka pa nagtatanong tungkol sa kanya..." sabi ko habang sinasamahan pa ng tawa.

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon