KABANATA 44

246 3 1
                                    

Kabanata 44

Go

--

"Welcome back!" Sinalubong kami ng tatlo kong mga tita.

Agad tumakbo at yumakap si Elise sa kanila. Nanatili naman ako sa kinatatayuan ko habang nakahalukipkip. Hindi ko na kailangang lumapit at yumakap rin sa kanila. Hindi rin naman kami naging close kailanman kaya awkward kung makikiyakap rin ako.

Inutos ni Kuya sa mga kasambahay na iakyat na sa kanya kanya naming kwarto ang mga gamit namin. Pumasok naman na kami sa loob habang nagsasalita si tita Teressa.

"Your rooms are already clean, pina linis ko kanina. Tsaka nagpahanda rin ako para sa pagbabalik nyo! Maraming pagkain sa kusina!"

"Where's my daughter?" Tita Florence asked, ignoring what tita Teressa said.

"Uh..." hindi agad nakasagot si tita Teressa.

"She's working. Uuwi rin maya maya," si Kuya na ang sumagot.

Tita Florence nodded. "Okay."

Mataray ang mukha nya. Taas noo rin at hindi manlang binabati ang mga kapatid. Nagbabatian naman sila minsan pero hindi yata talaga gusto ni tita Florence ang tatlo. Magkahiwalay naman kasi silang lumaki at hindi rin pareho ng ugali.

"Are you staying here for good, Victoria?" Nakangiting tanong ni tita Rowena sa akin.

"No. I will stay here just for weeks. I need to manage my restaurant in Cebu," sabi ko at umupo na sa hapag.

"Oh..." I saw a hint of disappointment on her face but she immediately smiled when she saw that I'm looking at her.

I sighed. Gabi na kaya sigurado akong pagkatapos nito, matutulog na ang lahat. Lalo na kami na galing pang byahe. Bukas na ang birthday ni Kuya kaya nagplano agad ako ng gagawin bukas. Isasama ko si Jaz.

Speaking of Jaz... hindi ko pa sya natatawagan. Alam nya na uuwi kami ngayon pero baka magtampo yon kapag hindi ko pina alam sa kanya na nandito na kami.

"How about you, Elise? Are you staying here for good?" She turned to Elise.

"Uh..." Elise glanced at our brother. "Kung papayag po si Kuya..."

"Ano ka ba, hija!" Si tita Teressa. "Hayaan mo na yang Kuya mo. You're an adult now and you have the right to decide for yourself. At ikaw naman, Gabriel. Hayaan mo na ang mga kapatid mo. Hindi mo na dapat sila pinagbabawalan ng ganito."

"Hindi na ako nakikialam sa kanila. They can do whatever they want now," bumaling sya kay Elise. "Gawin mo na kung ano ang gusto mo. Hindi na kita pagbabawalan."

Ngumiti si Elise at tumango. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa nagsalita si tita Pamela.

"Are you two okay now? Hindi pa rin kayo nagpapansinan," she said.

"Pamela," saway ni tita Florence.

Pangalawa si tita Florence sa kanilang apat pero tulad nga ng sinabi ko, hindi sila magkaka close.

"I just want to know. It's not good that they're treating each other this way. Magkapatid sila at ang magkapatid dapat nagmamahalan."

She's right. I looked at Elise and saw that she was just continuing to eat her food after what tita Pamela said. It was as if she didn't heard anything. She didn't even look at me even though she knew I was looking at her.

I sighed. Binalik ko nalang ulit ang tingin sa pagkain ko.

"Ilang taon na ang lumipas at hindi pa rin sila nagpapansinan. Victoria, Elise, hindi maganda ang ganyan."

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon