KABANATA 17

267 4 1
                                    

Kabanata 17

Call

--

Sinundan ko ng tingin si Anton na bumaba sa kanyang sasakyan at pumunta sa pintuan ko para pagbuksan ako. Napakurap kurap ako. Hindi tuloy ako nakalabas agad dahil sa gulat sa ginawa nya. Nagkatinginan pa kami. He's still serious. I sighed and slowly got out of his car.

"Salamat. Salamat rin sa... paghatid," sabi ko at hinarap sya.

Nagkatinginan kami. He didn't speak immediately so I don't know if I will go inside and just leave him here or stay until he says goodbye. Seryoso pa rin ang mga mata nya pero ilang sandali lang ang nakalipas, namungay na ang mga mata nya habang nakatitig sa akin.

"I'm sorry..." he said.

"Para saan?" Taka kong tanong.

"Hindi agad ako dumating kanina. I'm sorry," ulit nya.

I paused for a moment before laughing a little. Iyon nalang yata ang paraan para itago ang kabang nararamdaman.

"Ayos lang. Dumating naman yung mga bodyguards ko. Tsaka... hindi mo naman na ako kailangang ipagtanggol roon."

"Anong hindi na kailangan? I'm your... friend," sandali syang tumigil roon.

Tumango tango ako dahil may punto naman sya roon. Bahagya akong ngumiti at tumango sa kanya.

"But it's okay. Dumating ka rin naman agad. Pinagtanggol mo pa rin ako."

He sighed. Ilang sandali syang hindi nagsalita. He stared at me for a moment. Iyon na naman ang ilang na nararamdaman ko kaya mabilis akong nag iwas ng tingin. Tumikhim ako para maitago pa ang kabang nararamdaman.

"Pumasok ka na. You need to rest..." he said after a while.

Binalik ko ang tingin sa kanya. I nodded and smiled at him. "Okay. Bye."

"Bye. Sleep well..."

Dahan dahan akong tumalikod. Nawala ang ngiti ko pagtalikod ko palang. Hindi kasi mapakali ang puso ko at kahit gusto kong mairita roon, gusto ko nalang ring hayaan. I know what that means. I just don't want to think about it because I'm not really sure what is this feeling. Lalo pa't bago palang sa akin ito. Hindi pa ako kailanman nakaramdam nito.

Nakaligo at nakahiga na ako sa kama nang magvibrate ang phone ko. Gusto kong mairita dahil patulog na ako pero nang abala pa ang kung sino mang nagtext roon. Pero nang makitang si Anton ang nagtext, mabilis kong tinignan yon.

Anton:

Good night, sleepyhead.

Uminit ang pisngi ko. Kinunot ko ang noo at nagtipa ng reply.

Victoria:

Tss. Night.

I immediately put the cellphone aside and closed my eyes. I stayed awake for a while because of that text. Sleepyhead? Hindi naman ako antukin! I'm just sleepy now because I've been tired all day! Tsaka yung nalaman nyang late na akong nagising, first time ko lang ma-late ng gising noon!

Nakatulog rin naman ako agad. Wala naman nang pasok sa school pero nandoon palagi si Anton sa coffee shop at nagbabasa ng libro. Sabi nya libangan nalang daw nya ito pero wala ba syang ibang ginagawa sa kanila? Hindi nya ba bibisitahin ang pamilya nya?

During my last days at the coffee shop because it was almost Christmas, Anton was always there. Umaga na ako ngayon pumapasok dahil wala na akong pasok sa school. At palaging nandoon si Anton, mas maaga pa sa akin. Sya naman kasi ang nagbabantay ng coffee shop na ito kaya normal lang na nandito sya palagi.

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon