WAKAS

636 8 4
                                    

This is the last chapter of Loving Heart. Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbasa at magbabasa pa lamang. I hope you learned a good lesson from this story of mine. At sana rin ipagpatuloy pa natin ang pagsuporta sa dalawang taong tunay na minamahal ang isa't isa, na kahit napaka raming taon na ang lumipas ay nanatili pa rin ang pagmamahal na kahit na sino ay walang makakatibag. Thank you very much for loving Anthony and Victoria. Enjoy the last chapter!

Wakas

--

"This is our son, Anthony Lavarias," pakilala ni Papa sa mga Villanueva na nasa harapan.

Sinama ako ni Mama at Papa rito sa building dahil may ipapakilala daw sila sa akin. Marami silang pinakilala na nga ka-business partner nila at kasama na roon ang mga Villanueva.

"Nice to finally meet you, Anthony," naglahad ng kamay ang mukhang istrikto na si Victor Villanueva.

"Nice to meet you po..." tinanggap ko ang kamay nya.

Tipid syang ngumiti ngunit istrikto pa rin ang itsura. Elisa Villanueva also held out her hand and smiled sweetly at me. Kumpara sa kanyang asawa, siguro mas mabait at palangiti sya. She slightly pinched ny cheek after we shook hands.

"He looks so cute, Diana. So sad that Gabriel is not here. Hindi sumama," she said.

"Bakit nga ba hindi sya sumama?"

Nag usap sila habang nalipat ang mga mata ko sa mga babaeng nasa likuran nila. They looked very look alike. Magkaiba man ang damit, parehong pareho pa rin ang mukha. The other girl looks sweet. She's smiling at the people around her while the other girl looks cold and mad. Kumunot kunot ang noo ko habang tinititigan ang mukhang mataray na babae.

"Oh! And these is my two daughters, Victoria and Vallerie Villanueva. Say hi, mga anak," si Elisa Villanueva na umupo pa para mapantayan ang mga anak nya.

"Hello!" The sweet girl waved.

"Good evening..." marahan at pormal man ang boses ng isa, malamig pa rin ang kanyang mga mata at hindi manlang ngumiti.

Tumawa si Victor Villanueva. "Pasensya na kayo. Nagmana lang sa akin itong isa."

Nagtawanan ang mga kasamahan namin. They find the two girls adorable while I'm confused of the cold girl. Bata pa man ang isipan, hindi ko napigilang mag isip tungkol sa kanya. She looks very cold, just like her father. She doesn't even look at the people around her. Her attention was focused only on emptiness and her face was emotionless. Ngayon lang ako nakakita ng halos kasing edad ko na babae na ganito hindi ka-interesado sa mga bagay. Yung iba masigla at palangiti, kagaya nalang ng kapatid nyang si Vallerie.

Sobrang tagal na panahon na non. Pero naalala ko pa rin ang araw na iyon nung nakita ko sya ulit. At first hindi ko sya namukhaan. Pero nang nagtagal ang titig ko sa kanya, napagtanto ko na sya iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.

She still have her cold eyes even when she smiles. Mataray rin at madalas umirap. Noon ay nagtataka ako sa mga kilos nya pero simula nung nakita ko ulit sya at nakasama na, hindi ko na mapigilan ang mapangiti. Siguro natutuwa ako dahil ngayon lang ako nakakita ng babaeng sobrang cold at halos walang pakialam sa paligid nya. Sanay kasi akong nasa akin agad ang atensyon, lalo na pagdating sa mga babae.

"Miss, are you alright? Come here. I'll take you to the clinic."

Hindi ko sya sinasadyang natamaan ng baseball. Gusto kong kalatukan ang sarili ko dahil hindi ako nag iingat. I was so nervous when I saw the blood on her head. I quickly picked her up and took her to the clinic.

Sa lahat ng matatamaan ko, sya pa talaga? Damn it. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Maybe because I'm afraid she'll get mad at me? Bakit naman ako matatakot na magalit sya? Siguro dahil baka magalit ang mga tita nya kapag nalaman ang nangyari sa kanya at baka magkaroon pa ako ng record sa school. Even though the Lavarias are much powerful than the Villanuevas, they could still do that.

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon