KABANATA 43

245 4 1
                                    

Kabanata 43

Party

--

"Hija!" Nakangiti kaming sinalubong ni tita Florence.

Niyakap nya ako. Elise smiled and hugged tita Florence as well. I moved slightly away to give them space.

"I missed you, tita," Elise said.

"I missed you too, hija! Nagdinner na ba kayo? Halika, may pinahanda akong pagkain. Nakahain na sa hapag."

Pumasok kami sa loob. Only the three of us came home. My three aunts didn't come because they didn't need to. Besides, they still have work to do. Si Kuya rin may trabaho pero pinagpaliban nya muna para maihatid manlang kami rito ni Elise. Si Francesca naman ay naiwan rin sa Manila. She's staying there for work.

Alam kong alam na ni tita Florence na nag aaway kami ni Elise. Alam ko ring ayaw nyang banggitin muna iyon ngayon dahil kadarating palang namin. Pero alam kong kating kati na syang alamin kung bakit kami nagkakaganito.

"Dito na sila for good. Dito na mag aaral at hanggat hindi kayo nagkaka ayos, hindi kayo uuwi sa Manila," si Kuya na seryoso.

Tita Florence sighed and looked at us. "Ano bang nangyari? Bakit kayo nag aaway?"

Hindi ako sumagot. I looked at Elise and I wanted her to answer. Baka kasi kapag sumagot ako, magalit sya. Mukhang ayaw nyang ipaalam kahit kanino ang dahilan ng pag aaway naming dalawa.

Hindi sya tumingin sa akin. Yumuko lang sya sa pagkain at hindi rin sumagot. Binalik ko ang tingin sa pagkain ko.

Tita Florence sighed. "Ano naman ang dahilan bakit mo sila pinauwi rito, Gabriel? Mas gusto nila sa Manila."

"Exactly. Mas gusto nila sa Manila kaya aalisin ko sila roon bilang parusa."

Pagod akong humiga sa kama ko pagkatapos ng mahabang dinner na yon. Tinitigan ko ang kisame ng ilang sandali. Gustuhin ko mang libutin ang kwarto ko, hindi ko magawa. Matagal na akong hindi nakakatulog rito at ngayon nalang ulit. Na-miss ko pero hindi ko magawang tignan. Pakiramdam ko ang bigat bigat na naman ng katawan ko.

Dito kami hanggat hindi kami nagkaka ayos ni Elise. Tama si Kuya. Parusa nga ito para sa amin ni Elise. Hindi naman sa ayaw namin sa Cebu pero minsan kasi hindi namin naiintindihan ang salita ng iba. Masyadong mahirap makipag usap sa kanila. At nandoon rin sa Manila ang mga kaibigan namin.

Elise is definitely more sad. Because Irene was there, Jaz was there, our aunts are there whom she love dearly, Kuya was there and Francesca was there. Parusa ngang maitatawag ito.

I hope Elise forgives me so that she can return to Manila. I don't want her to suffer and feel sad like this. Gusto ko na ring magka ayos kami para kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Dahil kahit papaano may naging maayos sa problema ko.

I sighed. Bumangon ako at nagpunta sa banyo. Bahala na. Tulad ng palagi kong ginagawa, ipapaubaya ko nalang ito sa tadhana. I will just go with the flow. I will just wait for the day when Elise will forgive me for all my mistakes and all the pain I gave her.

Malakas na binagsak ni Kuya ang makapal nyang libro sa table nya. Umangat ang balikat ni Elise sa gulat at takot. Kahit ako, napa angat ng balikat dahil naramdaman ko talaga ang galit nya. Nahigit ko ang hininga ko sa gulat.

"This is just your reason that's why you two are not in a good terms?! Huh?!" Kuya spat angrily.

Walang nakapag salita sa amin. Napayuko ako at nag alala dahil baka mapagalitan si Elise.

We've been here for two weeks now. Bakasyon pa rin at hindi pa nagsisimula ang klase. Nalaman ni Kuya ang dahilan kung bakit kami nag aaway ni Elise. Ang sabi ni Elise nasabi nya kay tita Florence at sigurado akong sinabi ni tita Florence kay Kuya. Kaya naman galit na galit sya ngayon.

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon