KABANATA 45

269 5 3
                                    

Kabanata 45

No

--

Sinarado ko ang pintuan ng opisina nya nang makarating kami roon. He went straight to his table as I looked around the room.

Malaki iyon. May maliit na table kung saan may mga sofa rin, siguro kapag may kailangan syang kausapin doon uupo. May malaki rin syang table at nandoon ang mga gamit nya tulad ng laptop, mga papel at kung ano ano pa. Behind him is a large window. Then on the side there's another door, maybe his bathroom. Sa kabila naman ay isa pang pintuan, hindi ko alam kung ano ang laman ng kwarto na yon. Maybe... his room? Tulugan? Hindi ba may mga ganon ang mga doctor?

But why does it seem so big compared to what I used to watch on TV? Ang alam ko hindi naman ganito kalaki ang mga opisina ng doctor. Pero siguro private ang hospital na ito at malaki rin kaya ganito kalaki ang mga opisina nila?

Nilingon ko si Anton na nakaupo na sa swivel chair nya, pinagmamasdan ako. Tumikhim ako at matapang na naglakad palapit sa kanya kahit parang sasabog na ang puso ko sa kaba.

Hindi sya nagsalita nang makalapit ako. He just looked at my whole face. He also looked at me from head to toe as if so much had changed in me.

"What do you want?" Tanong ko, pormal pa rin sa kanya kahit naiirita na.

"Kamusta ka na?" He then looked at me again.

I sighed. "Iyan lang ba ang itatanong mo? Ayos lang ako. Kung iyon lang, babalik na ako kay Jaz."

Tumalikod ako at maglalakad na sana paalis nang magsalita ulit sya.

"Are you still angry at me?"

I took a deep breath and faced him again. Matapang ko syang tinignan. I wanted to shout at him especially that he was really able to ask that question. Gusto ko rin syang sumbatan dahil hanggang ngayon galit pa rin talaga ako sa kanya. Alam kong wala naman talaga syang kasalanan pero nang dahil sa kanya pa rin kaya nangyayari ang lahat ng ito!

Hanggat galit sa akin si Elise, galit rin ako sa kanya.

"Yes," I said it straightforwardly.

He sighed and nodded. Bigla syang tumayo at bigla na naman akong kinabahan. Sa kaunting galaw nya pa lang kinakabahan na agad ako at naiinis ako roon.

He went to the front of his table, right in front of me. Bahagya syang umupo roon at muli akong tinignan. Bahagya naman akong umatras dahil medyo naging malapit kami, iritado na ang mukha dahil hindi ko na kayang itago iyon.

"You changed..." he said, almost a whisper.

Humalukipkip ako at tinitigan lang sya. Hindi ako sumagot.

"How's your restaurant in Cebu?" He asked again.

Nagsalubong ang kilay ko. "How did you know I had a restaurant in Cebu?"

Nakita kong bahagya syang natigilan. Hindi agad sya nakasagot. "I just heard it. You're a Villanueva so..."

Nanliit ang mga mata ko at sandali pang nagduda sa kanya pero kalaunan pinaglagpas ko nalang iyon. I sighed.

"It's fine. Iyon lang ba ang mga itatanong mo? Kailangan ko nang balikan si Jaz."

"She's okay now."

"Alam ko."

Hindi sya nagsalita. Tinitigan nya ako na para bang may kung ano sa mga mata ko na hinahanap nya. I saw the sadness pass by him pero mabilis syang nag iwas ng tingin kaya hindi ko na nakumpirma iyon.

"I'm sorry..." he whispered and looked at me again.

I looked away and didn't speak. Alam ko kung bakit sya nagsosorry. Hindi na kailangan pang tanungin kung para saan iyon.

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon