Kabanata 4
Number
--
Nagtaas ng isang kilay si tita Teressa nang pumasok ako sa kusina. They all looked at me. Umirap si tita Pamela habang nagtaas rin ng isang kilay si tita Rowena. Si Elise lang ang ngumiti at tumayo para pumunta sa akin.
"Sasabay ka sa amin?" Masaya nyang tanong, halatang gusto akong kasabay kumain.
I also want to eat with her even though I don't want to eat with my aunts. But I still have a lot to do at school. Kulang ang naging pag aaral ko kagabi. Masyado talaga akong na late sa pagtransfer.
"Sa school ako kakain. I'm just here to say goodbye," malungkot akong ngumiti sa kanya. "I'm sorry. Babawi nalang ako sayo sa susunod."
Nawala ang ngiti nya. Nalungkot sya. I sighed. Gusto ko rin naman talagang kumain kasama sya. Pero kasi hindi kaya ng oras ko. Kailangan kong habulin ang pag aaral.
"I understand. Sa susunod nalang?" Ngumiti sya ulit kahit halata ang lungkot sa mukha.
Tumango ako. "I promise."
Sa school nga ako nagbasa ng mga notes. Habang kumakain ay nagbabasa ako. Wala naman gaanong tao sa cafeteria kaya tahimik akong nakakapag basa. Jaz was not there when I got to the classroom and I don't know if she's there now. Basta nagpatuloy lang ako sa ginagawa.
Mabilis lang akong natapos dahil nag bell na. Nagtaka pa ako dahil hindi pumunta si Jaz sa cafeteria. Palaging dito yon kumakain kaya nakakapag taka na hindi sya pumunta. Pero baka kumain na sya sa bahay nila.
Kadarating lang ni Jaz nang makabalik ako sa classroom. Marami nang tao roon. Nakanguso syang pumunta sa akin. Ngumisi ako.
"Pinilit na naman ako nina Mommy na sumabay sa kanila dahil may sasabihin daw sila," she said.
"Oh? Anong sabi?"
She lowered the bag to her chair and sat slightly on her table. Our seats are a little closer so we can talk.
"Uuwi daw yung pinsan ko," sagot nya.
"Mmm," tumango tango ako.
"Nakakainis. Pwede naman sabihin sakin agad na iyon ang pakay nilang sabihin. Ang dami dami pang sinabi. Hindi tuloy kita nakasabay kumain," ngumuso ulit sya.
Umupo ako sa upuan ko at humalukipkip.
"Mabuti ka pa nga nakakasabay mo ang magulang mong kumain. Tapos naiinis ka pa?"
Natigilan sya sa sinabi ko. She knows what I mean. Nasabi ko na sa kanya na wala na akong magulang.
"Losing a parent is hard and painful. So make the most of the time you spend together. You may regret it later..."
Natahimik sya. The teacher arrived and she just sat in her chair. I took the right book and the class started. I don't know if she realized what I said but I just said what I had to say. Medyo hindi ko kasi nagustuhan ang sinabi nya kanina.
Busy pa rin ako sa pagbabasa ng notes nang maglunch. Kaya naman minsan lang kami nakakapag usap ni Jaz. She also reads her other books. Masipag rin syang mag aral at mukhang may gustong maabot. Kahit maarte at madaldal, alam kong gusto pa ring makapag tapos ng pag aaral.
Maaga lang kaming natapos kumain kaya nagpunta nalang kami sa library para mag aral at para na rin tahimik. Maingay kasi sa cafeteria dahil maraming kumakain. Nang magbell naman ay paruloy pa rin sa pag aaral.
Last subject of the afternoon was PE. I already have a PE uniform and I also have rubber shoes in my locker. Inipit ko ang buhok ko at sabay na kaming pumunta ni Jaz sa field. Maraming tao sa field nang makarating kami. Buong batch yata nandoon at sabay sabay na magp-PE. Nagulat ako nang makita si Anton sa hindi kalayuan kasama ang mga kaibigan nya. Naka PE uniform din sila.
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Teen Fiction[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...