KABANATA 60

440 5 1
                                    

Kabanata 60

Marry

--

Gumawa ng ang bonfire sila Kyle nang gumabi na. Malamig ang simoy ng hangin at dinig na dinig namin ang malakas na paghampas ng alon ng tubig dagat sa harapan. May mga pagkain at inumin na rin rito. Maingay na si Kyle at gusto na agad uminom.

Nandito na rin si Irene. Maayos na sya at ngumingiti na na para bang walang nangyari kanina. Panay ang sulyap ko sa kanya dahil nag aalala pa rin ako. Sumusulyap rin sya sa akin at ngumingiti na para bang sinasabi nya na ayos lang sya at hindi ko na dapat sya alalahanin. This time I can see that her smile is real. Her eyes were sparkling. Nabawasan ang pag aalala ko pero may kaunting pag aalala pa rin.

I'm glad she's a bit fine now. I'm happy for her.

Nilingon ko si Elise na kanina pa nakatitig sa akin. Nasa tabi ko sya at sa kabilang tabi ko ay si Anton, tapos si Irene, Jaz, Kuya, Kyle at Elise. Naka pabilog kaming lahat sa bonfire. May kanya kanya na kaming pagkain at inumin. Nagtatawanan ang lahat lalo na kapag nagbibiro si Kyle.

Bahagya akong kinabahan sa titig ni Elise. Nakangiti naman sya pero kinabahan pa rin ako. Naisip ko na baka hindi pa rin sya sanay na nakikitang magkasama kami ni Anton pero nang nagsalita sya, para akong nabunutan ng tinik.

"I want you to know that I'm happy for the both of you. Continue your relationship with him and don't worry about me anymore, okay?" She smiled.

Tumango ako at ngumiti. Inangat nya ang kanyang basong may alak kaya inangat ko rin ang sa akin.

"Cheers?"

"Cheers!"

Wala na yata akong isasaya pa sa gabing iyon. I'm really happy. Especially since I'm with my two siblings, my friends, and of course the person who's always by my side, Alexander Anthony Lavarias, my one and only love in this whole world.

Nilingon ko si Anton na nakikipag tawanan kay Kyle pero nang nakitang lumingon ako ay nilingon nya rin ako. I smiled. Nagtaas sya ng isang kilay at bahagyang lumapit sa akin. He kissed my head and then whispered on my ear.

"What is it, hmm?"

"Nothing. I just realized how lucky I am to have you. I can't believe that you are my boyfriend."

He stared at me for a moment and then he cursed. Muntik na akong matawa. He pulled me closer to him, wrapped his arm around my waist and leaned his head against the side of my forehead.

"No. I'm more lucky to have you in my life..." he whispered.

Ngumiti ako at hindi na nakipag talo. Basta ako ang alam ko swerte akong sya ang boyfriend ko. I don't think I can find another man here in the world like him, at wala rin naman akong balak maghanap. Dahil nag iisa lang sya. Sya lang ang lalaking mamahalin ko. Kahit anong mangyari, sya lang.

Alam ko marami akong naging kasalanan sa kanya. Sinaktan ko sya at iniwan. Pero kahit ganon, patuloy nya pa rin akong minahal. I don’t know how he did that with everything I did to him. Akala ko tuluyan na nya akong kakalimutan dahil sa lahat ng ginawa ko. Pero hindi.

Nanatili sya kung saan ko sya iniwanan noon, nanatili ang nararamdaman nya para sa akin, nanatili syang tapat kahit hindi sigurado kung babalik pa ba ako sa kanya. I love him even more because of that.

Ngumiti ako at pinagmasdan ang mga masasayang kaibigan. They say I have a loving heart. Yung tipong hindi uunahin ang sarili, mas uunahin pa ang iba kesa sa sariling kapakanan. Hindi iniintindi ang sariling kaligayahan basta masaya lang ang mga tao sa paligid, ayos na.

Well, maybe they are right. Dahil ngayon palang masaya na akong nakikita silang ganito kasaya. I have nothing more to ask for. Everything is fine. Elise and I are fine, Anton and I are fine. All of that was enough for me.

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon