KABANATA 56

324 4 1
                                    

Kabanata 56

Stunned

--

Sinama ko si Anton sa loob ng mansyon ng mga Mariano. Kahit nakakahiya, hiniling ko pa rin kay lola Isadora na baka pwedeng dito muna matulog si Anton sa gabing ito. We will go home to Manila tomorrow. I need to go back to Cebu this week. I need to manage my restaurant.

"Kilala ko ang parents mo, hijo. Hindi ko alam na magkakilala kayong dalawa," si lola Isadora habang kumakain kami ng hapunan.

Pumayag syang matulog rito si Anton. Wala kasing malapit na hotel rito. Anton also didn't want to leave. Hindi daw sya aalis hanggat hindi nya ako kasama. Banta nya iyon kaya wala nalang rin akong nagawa.

Bahagya akong nahiya kay lola. Lalo na at ngiting ngiti sya habang pinagmamasdan kami ni Anton. Nahihiya akong ngumiti at nagpatuloy na sa pagkain. Nagkwentuhan naman si Anton at ang matanda.

Elise and Irene called me that night. Ganon na rin si Jaz na halos manggigil sa akin. Nagpaliwanag nalang ako. Nakausap ko na rin si Kuya dahil magkasama naman sila ni Jaz.

Mahimbing naman akong nakatulog sa gabing iyon. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari sa amin kanina. And every time I think about what I did I feel guilty. I immediately judged him and didn't choose talk about it with him. Alam kong nagkamali ako roon. Sa susunod kakausapin ko muna sya at hindi na magpapadala sa nararamdaman ko.

Anton's room is just next to my room. Hinid ko alam kung sinadya ba ni lola Isadora na magkatabi kami o sadyang iyon nalang ang available na room. Pero sa laki ng mansyon na ito imposibleng walang ibang kwarto.

Pumikit ako at hindi na inisip pa iyon. Hindi ko lang mapigilang isipin na nandyan lang sa malapit si Anton. Masaya ako na kinakabahan na nae-excite. Halo halo na hindi ko na maintindihan. Hindi ko tuloy napigilan ang ngiti ko kahit sa unti unting pagkain ng antok sa akin.

Kinabukasan maaga lang akong nagising. Mabilis akong nag ayos at namili ng magandang damit. Kinatok ako ng kasambahay para sa agahan kaya nagmadali na akong tapusin ang pag aayos sa sarili. I even put a little make up on my face. Fortunately, there's make up here, Donya Isadora allowed me to use it.

Pagkababa ko sa hagdan ay nakita ko si Anton na lumabas ng kusina. His eyes immediately bore into me. He looked at me from head to toe and a small smile plastered on his lips. He then walked towards me.

Kinabahan agad ako. Pilit kong inayos ang sarili at hindi pinahalatang kinakabahan. Nakalapit sya at agad nya akong hinawakan sa baywang. He gave me a sweet kiss on my lips before whispering.

"Good morning..."

Nagpalinga linga ako dahil baka nandyan lang sa paligid si lola Isadora o kali man yung mga kasambahay. Mabuti nalang nasa malayo sila at hindi nakita ang ginawa ni Anton. Tiningala ko sya.

"Morning..." kinagat ko ang labi ko.

"The breakfast is ready. Let's eat."

Tumango ako at sabay kaming naglakad papunta sa kusina.

"Did you sleep well?" Tanong nya habang hawak ang kamay ko.

"Yup. You?"

"Yeah."

"Ikaw ang nagluto ng agahan ngayon?" Tanong ko.

"Yeah. I woke up so early."

Tumango ako at hindi na nagsalita. Lola Isadora was already in the dining area, placing the plates in their right places. Ngumiti sya nang makita kami.

"Good morning, hija! Your boyfriend cook our breakfast today. Let's eat!" Tuwang tuwa nyang sinabi.

Boyfriend... Nakita ko ang pagngisi ni Anton habang nag init naman ang pisngi ko. Pero ngumiti nalang ako.

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon