Kabanata 24
Closer
--
Ngumuso ako habang tinititigan ang kisame. Nandito na ako sa kwarto ko, kakapatuyo lang ng buhok. Kanina nang nahatid ako ni Anton, nagpaalam lang kami sa isa't isa at mabilis na akong tumalikod at pumasok sa bahay. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya pero nangingiti rin at the same time. Umiling ako sa sarili at niyakap nalang ang unan na nasa tabi.
Matulog ka na, Victoria. Masyado mo syang iniisip.
Pero bago pa ako makatulog, tumunog ang phone ko hudyat na may nagtext. Tinignan ko yun agad at nakitang si Anton ang nagtext.
Anton:
Are you already asleep?
I sighed and typed my reply while lying on my bed.
Victoria:
Hindi pa. Matutulog palang.
Anton:
Did you have dinner already?
Victoria:
Yup. Sige na. Matutulog na ako.
Anton:
Alright. Good night.
Victoria:
Night.
I lay down again after placing my phone on the side table. I hugged my pillow and closed my eyes. Hindi na inisip pa ang kahit anong bagay.
Dahil nagtatampo na masyado sa akin si Elise, sumabay nalang ako sa breakfast kasama ang mga tita ko. Hindi ko naman sila ganon kaayaw para hindi na talaga sumabay sa kanila. Ayoko lang sumabay dahil alam kong iinit lang ang ulo nila at baka masira ko pa ang araw nila.
Mabuti nalang hindi naman sila nainis na nandoon ako sa hapag nang dumating sila. Tita Pamela raised an eyebrow but didn't speak. Elise smiled as she waited for them to sit down para makapag simula na sa pagkain.
"Good morning, tita!" Bati ni Elise sa tatlo.
"Good morning, hija..." si tita Teressa at ngumiti. Umupo na silang tatlo.
"Sasabay po sa atin si Victoria ngayon! Ayos lang naman po, diba?"
"Oo naman, hija. Bakit naman hindi?" Ngumiti si tita Rowena at sumulyap sa akin.
Bahagya syang ngumiti sa akin. Hindi ko inaasahan yon pero ngumiti nalang rin ako at nagsimula nang kumain.
"Maayos naman ba ang pag aaral mo, Victoria?" Tanong ni tita Rowena na hindi ko inaasahan.
"Maayos naman po," sagot ko nalang.
"May boyfriend ka na, hindi ba?" Singit ni tita Pamela.
Nanlaki ang mga mata ni Elise. "Talaga? Sino?"
"Yung lalaking naghatid sa kanya nung lasing sya."
"Talaga, Vics? Boyfriend mo yon? Hindi ko nakita!" Si Elise.
"Hindi ko po boyfriend yon," medyo nag alangan ako. "He's just a friend."
"Really?" Ngumisi si tita Pamela, mukhang hindi naniniwala.
Hindi na ako nagsalita. Mukhang hindi naman nila ako paniniwalaan.
"I know that man. He's a Lavarias, right?" Si tita Teressa.
Nagulat ako. Hindi ko alam na kilala pala nila ang pamilya ni Anton.
"Oh. Sino sa mga Lavarias iyon? Marami sila," mas lalo pang ngumisi si tita Pamela.
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Teen Fiction[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...