Kabanata 47
Selfless
--
Mabilis akong lumabas ng bahay nang hindi nalalaman ng kahit na sino. Nagmamadali kong nilapitan si Anton na nakatayo sa tabi ng kotse nya at ganon pa rin ang suot. White t-shirt at pantalon tapos kulay brown na booths.
Hindi na sya nagulat nang makita nya. Parang wala syang pakialam na nahuli ko syang sinundan ako hanggang dito! Walang emosyon ang mga mata nya habang pinagmamasdan akong lumapit sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nandito?!" Halos sumigaw ako sa galit na nararamdaman.
"Sinundan kita--"
"Bakit mo ako sinundan? Hindi ba't sinabi ko nang hindi tayo pwedeng magkita? Baka makita ka ni Elise rito!"
"I just want to know--"
"Know what? My house?!" Napapikit ako ng mariin. "Bakit ba kailangan mo pang malaman?!"
"I just want to see you, Victoria."
"Bakit? Do you still like me, huh? Can't get over me?!"
"Yes," deretso nyang sagot dahilan para matigilan ako sandali.
Tumawa ako at muling tumingin sa kanya. "I already told you that Elise still likes you until now! What if she sees you here? Edi mas lalo na naman syang magagalit sa akin?! Are you thinking, huh?!"
Hindi sya nagsalita. Tinitigan nya lang ako at mabilis na rin ang paghinga nya. I aslo saw how his eyes spark for tears. Dahil doon bahagya rin akong natigilan. Tinitigan ko sya at hindi ko napigilan ang pagkirot ng puso ko.
"How about me?" He asked.
Hindi ko alam ang ibig nyang sabihin pero hindi ako nagsalita. He clenched his jaw because his voice was cracking. Para bang mapipigilan noon ang kung ano man ang nararamdaman nya.
"Mahal kita at nasasaktan rin ako," he said painfully.
Hindi ako nakapag salita. Mahal kita at nasasaktan rin ako. Kumirot ang puso ko.
"Alam kong kasalanan ko kung bakit kayo nagkagalit ng kapatid mo at tinatanggap ko iyon. Naiintindihan ko na galit ka pa rin sakin hanggang ngayon. Naiintindihan ko lahat, Victoria..."
He then clenched his jaw again, suppressing his emotion.
"Pero paano naman ako? May nararamdaman rin ako. Hindi ba pwedeng ako naman ang tignan mo?"
Nag init ang gilid ng mga mata ko. Tuluyan nang nangilid ang aking mga luha pero iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Kinuyom ko rin ang kamao ko sa pag asang mapipigilan noon ang nararamdaman ko.
Ilang sandaling walang nagsalita sa amin. Natahimik kami at ang naririnig lang namin sa mga oras na iyon ay ang kuliglig. Walang tao sa paligid at malamig ang simoy ng hangin.
"So anong sinasabi mo ngayon?" Binalik ko ang tingin sa kanya pagkatapos pakalmahin ang sarili. "Gusto mong baliwalain ko si Elise? Ganon ba?"
Hindi sya nagsalita.
"At bakit naman kita titignan? Sinabi ko na sayo sa Manila. Hindi na kita mahal," kinuyom ko ang kamao ko. "At hinding hindi na ulit mamahalin."
Napatitig sya sa akin ng ilang sandali. I saw his eyes spark again for tears. Nag iwas sya ng tingin at tumango tango. Tumawa pa sya na para bang may nakakatawa. Hindi ko naman alam kung ano pa ang mararamdaman ko, pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon.
"Oo nga pala. Sinabi mo nga pala iyon," binalik nya sa akin ang tingin. "Kaya bakit ko pa sinabi ang mga to?" He laughed again. "How selfish of me..."
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Teen Fiction[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...