Kabanata 35
Hug
--
He agreed. I expected it already. I know he's a little unhappy because I know he thought it was just the two of us. Pero kailangan ko itong gawin. It's my sister's request. Hindi pwedeng hindi ko sya pagbigyan.
"What the hell?!" Natumba ang bangko ni Jaz nang may bigla nalang humila sa kanya patayo.
Nagulat rin ako. Tumayo ako at kunot noong tinignan ang lalaking ngayon ay hawak ang pulsuhan ni Jaz. The other students here in the cafeteria also looked at us.
"Bitawan mo nga ako!" Pumiglas ni Jaz.
"Kahihiwalay lang natin may bago ka na agad? At talagang kaibigan ko pa?!" The guy screamed.
"Hey..." singit ko nang nakitang nasasaktan si Jaz sa pagkakahawak nya.
The man turned to me. Nakakunot ang noo nya at halata ang galit sa mukha. Humalukipkip ako at hindi nagpatalo, mas lalo kong kinunot ang noo ko.
"Sino ka?!"
"Bitawan mo sya," hindi ko sya sinagot.
"Wag kang makialam rito! Sino ka ba?!"
"Ano ba, Jack! Bitawan mo ako!" Si Jaz.
Jack? Oh. So this is her ex boyfriend. Umirap ako at bumuntong hininga.
"Sagutin mo muna ako! Pinaglalaruan mo ba kaming dalawa?! Ha?!"
"Anong pinaglalaruan ang sinasabi mo? Pwede ba?! Nasasaktan ako! Let go of me!"
Kaunti palang ang tao sa cafeteria ngayon dahil umaga palang. Walang maka awat sa lalaking hawak si Jaz. Puro babae pa yung nandito. I sighed in annoyance. Nag aalala ako na naiinis. Hindi ko rin alam kung kanino ako maiinis. Sa lalaki na to o kay Jaz. Tsk.
"Wesley is my bestfriend, Jazmine!" He screamed.
"Oh, eh, ano naman?! It's your problem kung bitter ka! Basta kami, we love each other! Wala ka nang pakialam sa relasyon namin!"
"Love? Really? Nagmamahal ka pala, Jazmine?"
Natawa si Jaz.
"Alam ng lahat na puro laro ka lang!"
"Eh, bakit mo ako pinatulan kung alam mo naman palang puro laro lang ako? Kasi gustong gusto mo ako? Uhaw na uhaw ka sakin? Huh?"
"I can't believe you..."
"Oh, come on, Jack. Don't be so ampalaya. Nakakahiya..."
"What did you say?!" Mas lalo pa nyang hinigpitan ang hawak kay Jaz.
"Aray! Ano ba!"
"Excuse me--" makikialam na sana ako nang may magsigawan.
Napatingin ako sa may pintuan at nakita ang galit na galit na mukha ni Kyle. Halos itaob nya ang mga table na naroon para lang makadaan sya dahilan para magkagulo at magtitili ang mga babaeng nandoon. My eyes widened. Pasugod sya sa amin. O sa lalaking hawak hawak si Jaz!
Muntik na akong mapasigaw nang atakihin nya ng suntok si Jack. Napa atras ako dahil halos matumba ang table namin dahil sa tumilapon na si Jack . Tumili si Jaz at lumapit sa akin. Gusto nyang pigilan si Kyle pero ako na ang gumawa noon.
Mabilis akong lumapit kay Kyle at hinawakan sya sa braso. Hindi nya tuloy natuloy ang akmang pagsuntok pa kay Jack. Hinila ko sya.
"Kyle! That's enough!" Sabi ko.
"Hayop ka! Wala lang karapatang saktan ang pinsan ko!" Sigaw nya.
"Kyle!" Lumapit na rin si Jaz.
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Teen Fiction[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...